Ang folic acid ay isa sa mga nutrisyon na kailangan ng ating katawan upang makagawa at mamaintain ang mga bagong cells. Makukuha ang folic acid sa iba't ibang pagkin gaya ng gatas, papaya, oranges, at iba pang folate rich foods.
Nagkakaroon ng problema ay kapag ang isang babae na nagdadalang tao ay hindi nakakakuha ng tamang supplementation nito. At kung ang isang buntis ay nagkaroon ng kakulangan sa folic acid, maaari itong mauwi sa premature delivery at birth defects.
Narito ang mga warning signs na dapat mong bigyan ng pansin.
1. Problema sa pag-iisip
Ang folic acid ay isang napakahalagang nutrisyon sa ating utak. Dahil ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng depresyon, hirap sa konsentrasyon, pagiging makakalimutin at iritable. Nakakapagpataas din ito ng tyansa sa mga mas malalang kondisyon.
2. Pamamaga at pamumula ng dila
Ang kondisyong ito ay tinatawag na 'glossitis.' Kapag napapansin ang iyong dila ay makintab, mapulang-mapula, at namamaga huwag mo na itong ibalewal dahil isa itong senyales na kulang ang iyong katawan ng folic acid
3. Labis na pagkapagod at hirap sa paghinga
Ang ating red blood cells ang siyang nagdadala ng oxygen sa ating sistema. At kapag kulang ang iyong katawan sa folate, mababawasan din ang produksyon ng red blood cells na siyang magdudulot ng pagbaba ng iyong oxygen levels, mabilis na pagtibok ng puso, pagkahilo, at fatigue.
4. Pagduduwal o pagsusuka
Ang mga gastrointestinal na sintomas gaya ng pagsusuka, pagduduwal, pananakit ng tiyan, at diarrhea pagkatapos kumain ay ang mga maagang senyales na kulang sa folic acid ang iyong katawan.
5. Singaw sa bibig o mouth sores
Para sa mga advanced cases, ang taong kulang sa folic acid ay nagkakaroon ng mga singaw sa kanyang oral cavity na siyang dahilan ng kahirapan sa paglunok at pagkain.
6. Pamumutla
Ang hemoglobin ay isang protinang taglay ng mga red blood cells na responsable sa pagtransport ng oxgen sa buong katawan. At kapag nagkulangan sa folic acid ang katawan, kokonti din ang mga red blood cells na siyang nagdudulot ng pamumutla ng balat, muscle weakness, at pagmamanhid sa paa o kamay.
Comments
Post a Comment