Ang ating liver o atay ang pangalawa sa pinakamalaking organ sa ating katawan. Ito ay may importanteng tungkulin sa pagtunaw, ang produksyon ng bile. Ito rin ang nagco-convert ng sobrang sugar para maging glycogen at ginagawa itong reserba para sa enerhiya.
Ngunit dahil sa mga harmful chemicals at unhealthy foods na ating kinakain, kinakailangan ng ating atay na malinis paminsan minsan upang hindi magkaroon ng komplikasyon. Ang prosesong ito ay tinatawag na detoxification. Narito ang mga senyales na kailangang madetoxify ang iyong liver.
1. Paninilaw ng mata o balat
Ang kondisyong ito ay tinatawag na jaundice. Ito ay kapag ang iyong mga red blood cells ay nagpo-produce ng waste product na tinatawag na bilirubin. Kapag nagkaroon ng build-up nito, mapapansin ang paninilaw ng balat at mata.
2. Madaling magkaroon ng pasa
Ang ating liver ay tumutulong sa blood clotting. Kaya kung may problema ka sa iyong atay, makakaranas ka ng madaling pagkakaroon ng pasa at abnormal na pagdurugo.
3. Di maipaliwanag na paglaki ng tiyan
Dahil ang lokasyon ng atay ay malapit sa ating tiyan, kapag nagkaroon ng problema ito ay maaaring magdulot ng paglobo o paglaki ng tiyan. Tinatawag ang kondisyong ito na ascites, ito ay ang pag-accumulate ng tubig sa ating tiyan.
4. Abdominal pain
Ang apektadong liver ay maaaring mamaga at lumaki kaya nagkakaroon ng pressure sa ibang ugat sa loob ng katawan. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit sa upper right part ng iyong tiyan.
5. Acid reflux
Kapag mayroong implamasyon sa iyong atay, maaari kang makaranas ng heartburn o acid reflux dahil sa pressure sa abdomen.
6. Pagmamanas sa paa
Nagkakaroon rin ng water imbalance sa katawan. At kapag hindi balanse ang tubig sa iyong katawan, maaari itong manatili sa iyong mga paa at mamaga ang mga ito.
7. Fatigue / madaling mapagod
Ang pagkakaroon ng liver dysfunction ay nagreresulta sa pag-accumulate ng toxins sa katawan. Dahil hindi na kaya ng iyong atay na natural na linisin ang iyong katawan, ito ay nag-ooverwork. Kaya naman ang resulta ay madali kang mapagod.
8. Makating balat
Kapag nagkaroon ng accumulation ng bilirubin sa iyong katawan, makakaranas ka rin ng sobrang pangangati ng iyong balat.
Comments
Post a Comment