Ang mga babae ay prone sa mga infections partikular na sa kanilang private area. Minsan ito ay nagdudulot ng pangangati at kung ano-ano pang karamdaman. Kaya bilang pangangalaga, kailangang panatilihin itong laging malinis.
Narito ang mga dahilan kung bakit ang iyong maselang parte ay nagkakaroon ng pangangati.
1. Yeast infection
Natural na may mga organismo sa loob ng ari ng mga babae. Ngunit kung ang mga ito ay dumami o ang tinatawag na "yeast overgrowth," nagkaaroon ng yeast infection. Ito ay nagsasanhi ng matinding pangangati, pagsusugat, at nagkakaroon ng cheese-like discharge. Makakabuti na ikonsulta ito sa iyong doktor upang mabigyan ka ng tamang antibiotic at gamot.
2. Contact Dermatitis
Ang contact dermatitis ay isang condition na naaapektuhan ang labas na bahagi ng iyong private part. Ito ay dulot ng pagkaka-expose sa mga allergens at irritants na nagsasanhi ng burning sensation at pangangati kapag walang impeksyon.
Ang regular na paggamit ng mga matatapang na sabon, fabric conditioners, detergents, sanitary pads at feminine hygiene products ay maaaring magdulot ng iritasyon sa sensitibong balat ng iyong private part.
3. Bacterial V@ginosis
Ang kondisyong ito na kung tawagin din ay "BV" ay isang abnormal na kondisyon na nagdudulot ng abnormal discharge na resulta ng overgrowth ng bacteria sa iyong pribadong parte. Ito ay isang uri ng imbalance ng mga bacteria sa iyong intimate area. Ang mga sintomas nito ay abrnormal na discharge, pananakit, pangangati, at hindi magandang amoy sa iyong pribadong parte.
4. Warts o kulugo
Ito ay isang uri ng sakit na dulot ng human papillomavirus (HPV). Ang mga ito ay nagdudulot ng discomfort, pain, at matinding pangangati. Ang mga ito ay delikado dahil ilang uri ng mga HPV ay ang nagsasanhi ng c***** ng cervix.
5. Menopause
Ang mga babaeng nasa kanilang menopausal age ay nagkakaroon ng dryness sa kanilang private part at ang resulta nito ay pangangati. At 80% ng mga kababaihan na nasa menopausal stage ay nakakaranas nito. Ito ay dahil sa pagbabago sa hormones ng isang babae kapag siya ay tumatanda.
Sometimes my private area is to much itching what I do I apply apple cider
ReplyDeleteAnd then, what happened after u apply ac. Is it gone the itchiness ?
ReplyDelete