Karaniwan ang papaya fruit sa ating mga Pilipino kaya ito ay malayang tumutubo sa mga tropical regions. Ito ay kadalasan nakikita kahit saang lugar sa ating bansa at madalas na kainin ng mga Pinoy ang prutas nito. Maaaring ihalo sa mga lutuin, gawing inumin at gamiting pang-gamot sa ilang mga karamdaman. Ngunit hindi lamang ang prutas nito ang kapaki-pakinabang dahil ang dahon nito ay may maganda ring dulot o hatid para sa ating kalusugan.
Ang papaya leaf juice ay may magandang maibabahagi para sa ating kalusugan. Narito ang mga maaari nitong maitulong sa atin.
1. Dengue Fever
Isa rin ang papaya juice na makatutulong sa iyo sa paggamot ng dengue. Ang Dengue Fever nagdudulot ng pagbaba ng iyong blood platelet dahil ang virus na dala nito ay delikado para sa ating dugo. Ayon sa pagaaral ang paginom ng papaya juice ay nakatutulong sa produksyon ng platelet at pagtaas ng iyong blood platelet count. Ito rin ay may malakas na anti-malarial properties na nakatutulong sa pag-pigil ng masamang maidudulot ng sa kit na malaria sa ating katawan.
2. Good for Digestion
Hindi lamang ang papaya fruit ang may magandang maidudulot sa ating pantunaw kundi pati din ang papaya leaf o dahon nito. Ang paginom ng dahon ng papaya ay makatutulong sa ating pantunaw, makaiiwas sa pagkakaroon ng constipation, at naglilinis rin ito ng ating colon. Makatutulong ito sa pag-gamot at pag-kaiwas sa pagkakaroon ng ul cers.
3. Lower Blood Sugar Levels
Ang papaya leaf ay may kakayahan rin na makapagpababa ng asukal sa ating katawan. Sa pag-inom ng papaya juice ay hindi lamang matutulungan sa pagbaba ng blood sugar levels kundi pati na rin sa maaaring idulot ng sa kit ng diabetes sa inyong katawan.
4. Panlunas sa mga Skin Problems
Alam naman natin na ang papaya fruit ay nakatutulong sa atin sa pagpapaganda ng ating balat. May mga ilang sabon rin na sangkap ang papaya. Ngunit hindi lamang ang papaya fruit ang may kakayahan na makapagpaganda ng balat kundi pati ang dahon nito ay epektibong pampakinis. Natutulungan rin nito na linisin ang mga toxins sa iyong balat at katawan. May kakayahan itong protektahan ang iyong balat sa mga pimples, freckles at acne. Hindi lamang sa balat nakatutulong ang papaya juice kundi pati na din sa ating buhok.
5. Pampababa ng C****r Risks
Ang papaya juice ay may nilalaman na anti-c****r properties. Ayon sa pag-aaral ang papaya leaf ay may kakayahang labanan ang liver, lung, pancreatic, at breast c****r. Ang anti-inflammatory properties ng papaya leaf ay nakatutulong rin sa pag-bawas ng pamamaga at side effects ng ch*motherapy sa isang pasyente na may ganitong sa kit.
Comments
Post a Comment