Ang pakikipag-date ay isang paraan para makilala mo ng lubusan ang isang tao. Dito rin nagkakaalaman kung compatible ba kayo sa isa't isa o hindi. Hindi lahat ng date ay nauuwi sa romantic relationship, ang iba ay natatapos na lamang dito at hindi na nasusundan.
Dapat mo ring makilalang lubusan ang lalaking iyong pipiliin sa pakikipagrelasyon dahil may mga tipo ng mga lalaki na paglalaruan o sasaktan ka lamang at hindi rin magtatagal ang inyong relasyon. Narito ang mga tipo ng lalaki na hindi ka dapat nakikipagrelasyon!
1. Materialistic
Hindi magandang pag-uugali ang pagiging materialistic. Ito ay ang pagkabalisa sa pera at sa iba pang materyal na bagay. Sila ang mga tipo ng tao na mas matimbang ang mga materyal na bagay kaysa sa inyong relasyon. Iwasan na ang mga lalaking ganito dahil sa katagalan ay baka ito lang ang pagmumulan ng inyong pag-aaway.
2. Tipo ng lalaki na walang commitment sa relasyon
Ang mga tipo ng lalaking ito ay mga magpapaiyak lang sayo. Sila ang mga walang pakialam sa nararamdaman mo dahil hindi naman talaga sila commited sa iyo. Maaari sila rin ang mga tipo ng lalaki na tumitingin pa rin sa iba habang karelasyon ka.
3. Controlling
Minsan ang ibang lalaki, naiisip nila dahil lalaki sila ay sila dapat ang mas angat sayo o nasusunod. Ito ang mga tipo ng lalaki na "controlling" dahil hindi ka nila binibigyan ng pagkakataon upang gawin ang gusto mo. Sa halip, kinokontrol ang iyong bawat galaw.
4. Madaming bisyo
Hindi naman masama ang lumabas paminsan-minsan kasama ang barkada na may konting inuman at pakikipag-party. Ngunit kung ang lalaki na iyong dine-date ay palaging ganito at maraming bisyo, kung maaari ay iwasan mo na lamang siya.
5. May katangian ng pagiging stalker
Ang mga tipo ng lalaking ito ay ang wala ng ginawa kung hindi pagmatyagan ang lahat ng iyong galaw. Kadalasan sila rin ang mga karelasyon na madaling magselos sa mga taong malapit sayo. At mas pinapaboran niya ang pagmamatyag niya sa iyo kaysa pagkatiwalaan ka niya.
Comments
Post a Comment