Lahat ng tao ay nakakaranas ng insomnia kahit minsan sa kanilang buhay. Ito ay isang sleeping disorder na ang isang taong mayroon nito ay hirap o di makatulog. Maaaring ito ay dulot ng napakaraming factors gaya ng stress, pagkabalisa, poor diet, jet lag, depression, uri ng lifestyle, etc.
Ang epekto ng insomnia sa ating kalusugan ay hindi maganda. Dahil maaring maapektuhan ang iyong physical at mental health kung patuloy mong nararanasan ito.
Ang taong mayroong insomnia ay nararanasan ang ilan sa mga sintomas na ito:
- Hirap sa pagtulog
- Hindi makatulog ng higit sa isag oras
- Nagigising sa madaling araw at hindi na makatulog muli
- Hirap sa konsentrasyon
- Mababang enerhiya at madaling mapagod
- Pagiging iritable at mood swings
- Pagbabago sa behavior
- Dry at kulubot na balat
- Weight gain
- Hirap sa pagtatrabaho
Samantala, narito naman ang side effects ng insomnia sa ating kalusugan
1. Hirap sa pag-iisip
Ang pagtulog ay kailangan upang marefresh ang ating utak. Kapag kulang ka nito, ang iyong utak ay hindi makakapagproseso ng maayos kaya mahihirapan kang mag-concentrate at makapag-isip.
2. Delikado sa ating kalusugan
Ayon sa mga health experts, ang mga taong nakakaranas ng insomnia ay nagkakaroon ng mga problema sa kalusugan partikular na sa puso. Nakakaranas sila ng irregular heart beat, high blood, heart dis**se, stroke, at diabetes.
3. Maaaring magdulot ng mental problems
Dahil ang utak ay isa sa mga naaapektuhan dito, ang insomnia ay maaaring magdulot ng mental health problems gaya ng depression at anxiety. At kapag ikaw ay nakakaranas ng depression pwedeng pabalik-balik lang rin ang iyong insomnia.
4. Madaling pagtanda
Kapag hindi ka nagkakaroon ng sapat na tulog, nakikita ang epekto nito sa ating balat. Nagkakaroon ka ng eyebags, nagiging dry ang iyong balat, at lumilitaw ang mga wrinkles. Dahil naglalabas ang iyong katawan ng hormone na cortisol na sumisira sa collagen na kailangan ng iyong balat.
5. Pagtaba o weight gain
Ang kakulangan sa tulog ay siyang nakakapagpa-gutom sayo ng madalas. Ayon sa mga pagsusuri, ang mga taong kulang sa tulog ay mas napapakain ng mas madami kumpara sa mga taong may sapat na tulog. Kaya kung ayaw mong tumaba, magkaroon ka ng sapat na tulog araw araw.
Comments
Post a Comment