Tayong mga Pinoy ay mahilig sa mga tira-tirang pagkain at iniinit lang natin ang mga ito upang hindi masayang at hindi basta-basta itatapon. Para sa ilan, ito rin ay praktikal dahil hindi na nila kailangang magluto ng paulit-ulit. Isang pindot lang ng microwave, instant init na-- na parang bagong luto na ang pagkain.
Pero sa katunayan, may mga pagkain na pwedeng initin na kahit ilang beses. Pero mayroon ding hindi dapat nire-reheat dahil ang pagkonsumo ng mga pagkaing ito ay may naidudulot na panganib sa kalusugan.
1. Kanin
Ang kanin ay ang pagkaing hindi mawawala sa bawat hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino. At dahil sa laging pagtaas ng presyo nito, kahit isang butil ay wala dapat nasasayang. Kaya nakaugalian na ang pag-iinit nito sa microwave upang magmukhang bagong luto.
Pero ayon sa Food Standards Agency, ang tira-tirang kanin na naiwang nakatiwang-wang ay maaaring magdulot ng pagkasira ng tiyan kapag nakain. Dahil ito ay nagtataglay na ng mga spores, isang uri ng bacteria na kapag dumami ay maaaring magdulot ng pagsusuka at diarrhea. At kahit na pinainit mo ang pagkaing nadapuan nito ay hindi pa rin mawawala ang mga microorganismo.
2. Itlog
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), ang pagpapainit ng itlog ay maaaring mabago ang kanilng protein structure at maaaring magdulot ng problema sa tiyan kung hindi napainit ng mabuti.
Ang reheating ng itlog ay dapat umabot sa temperatura na 165 degrees bago kainin o ihain.
Iwasan ding iwanan ang nilutong itlog sa mesa ng matagal na oras dahil ang bacteria ay maaaring mabuo at magdulot ng iba't ibang karamdaman. Huwag ding ilagay ang itlog na may balat pa sa loob ng microwave dahil kapag uminit ang temperatura maaari itong masunog.
3. Chicken
Nagbabago ang protein composition ng manok kapag ito ay refrigerated at muling ininit. At ang resulta nito ay maaaring sumakit ang inyong tiyan.
4. Mushroom
Tinutukoy dito ay ang mga sariwang mushrooms. Mas mainam na kainin ang mga mushrooms o kabute pagkatapos na pagkatapos itong iprepare dahil maaaring mawala ang protina nito. Safe lamang itong kainin kapag pinainit mo ito ng 158 degrees.
5. Patatas
Dapat na mag-ingat sa pagtago ng tira-tirang patatas sa ref. Dahil kapag hindi narefrigerate ng maayos ang patatas, maaaring maging breeding ground ito Clostridium botulinum (botulism). Kaya huwag basta basta kumain ng tira-tirang patatas sapagkat kahit na ipainit mo ito sa microwave ay hindi pa rin matatanggal ang botulism.
Comments
Post a Comment