Nararanasan Niyo Din Ba Ang Namimintig o Namamanhid Na Paa? Ito Pala ang Kahulugan Nito Sa Ating Kalusugan!
Madalas ba kayong nakakaramdam ng parang namamanhid o namimintig ang inyong mga paa? Ito ba ay parang madalas na mangalay at makakaramdam kayo ng pamamanhid hanggang sa parang may langgam na o kuryente na mararamdaman sa mga binti? Ito pala ang tawag sa kondisyon na ito.
Ang Restless Leg Syndrome ang tawag sa pamimintig ng mga paa o kamay na tila ba parang ito ay kinu-kuryente. Ayon sa mga doktor, ang ganitong pakiramdam ay dahil ang ating mga ugat sa paa o kamay ay naiipit kaya ito namamanhid. Sa tuwing tayo ay nasa isang posisyon na tayo ay komportable, kadalasan naiipit ang ating nerves at ito ang nagsasanhi ng pamamanhid.
Ano ang pakiramdam kapag mayroong restless leg syndrome?
- Pamamanhid ng paa o kamay
- Pagkaramdam na parang may kuryente sa binti
- Pakiramdam na parang may maliliit na langgam na gumagapang sa ating binti o kamay
- Makiliti na pakiramdam sa kamay o paa
- Hirap mo igalaw dahil sa kakaibang sensation na nararamdaman
Ano ang ibang sanhi nito?
- Anemia o iron deficiency
- varicose veins
- pregnancy
- maling posisyon ng pagtulog o pagupo
- nutrient deficiencies sa magnesium at folate
Ano ang remedyo o lunas dito?
1. Kailangan mag ehersisyo at mag stretching
Ito ay nakakatulong upang mawala ang mga sintomas nito. Mainam na magstretching upang masanay ang mga paa sa ano mang posisyon nito. Kailangan itong ma-exercise araw-araw upang mabanat lahat ng muscles sa at buto sa paa.
2. Uminom ng Iron supplement
Ang iron deficiency ay maaaring sanhi ng kondisyon na ito. Kaya naman mainam na uminom ng maraming iron at vitamin B.
3. Iwasan ang sobrang pagkapagod at stress
Sa mga ganitong sitwasyon, kadalasan naninigas ang ating mga muscles sa paa at kamay kapag tayo ay overworked sa trabaho. Kailangan natin iwasan ang sobrang pagkapagod at stress upang relax ang ating mga nerves at muscles sa katawan.
Comments
Post a Comment