Kung ikaw ay nakikipag-communicate sa isang okasyon, dinner date, interview, conference, o interaksyon na kasama ang mga kaibigan o ibang tao, nasa kalahating porsyento ng magandang pagkakaintindihan ang pagkakaroon ng tamang body language.
Narito ang ilang halimbawa ng body language na madaling ma-misinterpret ng iba at masira ang iyong imahe ng wala kang kaalam-alam:
1. Poor Posture
Isa sa pinaka epektibong paraang para magmukha kang confident at kaaya-ayang tignan sa harap ng iba ay ang pagkakaroon mo ng magandang postura. Sa kabilang banda naman , ang pagtayo ng nakababa ang iyong balikat ay nagpapakita na ikaw ay mahina, hindi importante at hindi confident tulad na lamang ng paraan ng pag-upo na kung saan nakaslouch ang isang tao. Ito ay sumisibolo na masyado ka na komportable at mukhang hindi interesado sa sinasabi ng iyong kausap.
2. Maling posisyon ng iyong paa at kamay
Ang katagang “Uy ayusin mo nga upo mo”, ay madalas nating marinig sa iba dahil ang posisyon ng ating paa ay hindi natin napapansin na bigla bigla na lamang naiiba ito ng direksyon. Mahahalata daw sa lugar ng ating legs habang nakaupo ang ating tunay na personalidad.
Narito ang halimbawa ng ibig sabihin ng posisyon ng iyong paa:
Position A (knees together, feet apart)- sinasabing ang taong gumagawa ng ganitong posisyon ay childish, insecure at dreamy.
Position B (Crossed legs)- may ugaling defensive, distant, or closed-minded na tila mataas ang tingin sa sarili.
3. Exaggerated Gestures
Lagi mong kontrolin at pansinin ang paggalaw ng iyong kamay dahil kapag napasobra ito ay nagmumukhang kulang ka sa confidence at professionalism ayon sa mga eksperto. Isang halimbawa nito ay ang paglalaro sa iyong buhok, o pagkagat sa iyong kuko at labi na nagpapakita na ikaw ay insecure o anxious na tao. Pero dapat ring tandaan na kapag kulang ka sa gesture nagpapahiwatig ito na hindi ka interesado. Kaya naman bantayan at pansinin ang iyong galaw lalo na kapag ikaw ay nakikipagusap sa isang tao.
4. Crossed Arms
Ang pagtayo at upo ng naka crossed arms ay isang defensive na posisyon na nagpapahiwatig na ikaw ay hindi inetersado sa sinasabi ng iyong kausap. Kaya iwasan itong posisyon na ito upang hindi mamisinterpret ng iba.
5. Weak Handshakes
Ang firm na Handshake ay napakaimportante lalo na dahil ito ay nagpapahayag ng confidence at professionalism. Pero maging maingat lang dahil ang sobrang higpit na handshake ay maaaring mamis-interpret ng iba bilang agresibo. Samantala ang sobrang mahinhin na handshake naman ay nagpapakitang na hindi ka interesado sa tao o ikaw ay kulang sa confidence.
6. Poor Eye contact
Kapag hindi ka tumingin ng diretso sa mata ng iyong kausap ay maaaring mabigyan na niya ito ng ibang kahulugan tulad na lamang ng iniiwasan mo sya o di kaya ay maaaring maisip niya na ikaw ay sobrang mahiyain. Kapag ikaw ay nasa isang business meeting o date, tumingin sa mata ng iyong kasama upang maipakita mo sa iyong kausap na isa ka na sincere na tao.
7. Hindi Mapakali
Maaaring sanhi ito ng iyong kaba pero iwasan ang paghawak sa buhok, kamay, phone o kahit anong bagay na makakadistract sa iyong pakikipag-usap sa iba dahil kapag sinanay mo ang ganitong gawain maaaring maisip nila na ikaw ay iritable o mababa ang self confidence.
8. Hindi marunong tumango o ngumiti sa kausap
Ang pagngiti at pag-tango ng ulo ay ang pinakamakapangyarihang non-verbal na gawain para ipaalam sa iba na ikaw ay nakikinig sa kanilang sinasabi at na isa kang approachable na tao. Ang pag-ngiti ay nagbibigay sa iba ng kapanatagan ng loob at lahat ng pangit na misinterpration sa una ay napapalitan ng magandang impression kung ikaw ay marunong ngumiti.
Comments
Post a Comment