Marahil marami ang gustong magkaroon fit at slim na katawan. At ito na siguro ang isa sa mga mahirap na gawing bagay dahil unang-una, napakahirap tanggalin ang excess fat sa katawan lalo na kung wala kang oras na mag-gym o mag-exercise.
Ang pagbabawas ng timbang at sobrang taba sa katawan na walang ehersisyo o diet-only approach ay maaaring isang prosesong matagal. Ngunit kung madidisiplina mo ang iyong sarili at magiging committed ka sa iyong goal na pagpapayat ay tiyak na magiging epektibo ang mga paraang ito sayo.
1. Bawasan ang calories sa iyong kinakain
Upang mabawasan ang taba sa katawan, ang unang dapat mong gawin ay bawasan ang pagkonsumo ng sobrang calories araw-araw. Kung mahilig ka sa mga dessert na matatamis ay bawasan mo na ito. Ang recommended calories ay nakadepende sa edad, kasarian, at activity level ng isang tao. Upang malaman ang iyong calorie limit, makakatulong ang mga calorie-tracking app na mado-download sa internet.
2. Water therapy
Upang maiwasan na mag-crave ang iyong katawan ng maraming pagkain, uminom muna ng 1-2 basong tubig bago kumain. Siguraduhin din na sa buong araw ay nakakainom ng sapat na tubig upang maiwasang madehydrate ang iyong katawan. Dahil ang dehydration ay isang rason na nakakapagpabagal ng metabolismo kaya lalo kang tumataba.
3. Lemon water
Marahil hindi nakukuntento ang iyong katawan sa pag-inom lamang ng plain na tubig. Maaari mo itong lagyan ng flavor gamit ang fresh lemon. Magslice lamang ng lemon at ihalo ito sa iyong tubig at maaaring inumin ito sa buong araw. Bukod sa mayaman na ito sa vitamin C, ay tiyak na hindi magke-crave ang iyong katawan ng pagkain.
4. Iwasan na ang paginom ng softdrinks at juice na may artificial flavorings
Isa sa mga nakakapagpataba ng mabilis ang paginom ng mga softdrinks at juice na may artipisyal na asukal. Dahil ang mga ito ay loaded ng sugar at calories na nagdudulot ng pagtaba. Makakabuti na bawasan ang mga matatamis na inumin o kaya ay gawing substitute ang honey sa asukal.
5. Laging magkaroon ng sapat na tulog
Ang kakulangan sa tulog ay may malaking impluwensya sa pagpapayat. Dahil kapag ikaw ay palaging nagkukulangan ng tulog, ang metabolismo ng katawan ay bumabagal. Ito rin ang dahilan kung bakit mas dumadalas ang iyong pagkagutom at hindi agad nasa-satisfy ang iyong cravings.
6. Limitahin ang pagkain ng 'carbs'
Tayong mga Pinoy ay mahilig sa kanin dahil ito ang ating staple food. Isang halimbawa ay ang white rice na isang carbohydrate na nagdudulot ng pagtaba. Tinatawag itong 'fast carbs' dahil kaya nitong pataasin ang iyong blo0d sugar at magdulot ng weight gain.
7. Damihan ang gulay at prutas sa iyong diyeta
Pagdating sa pagpapapayat at pagbabawas ng timbang, ang mga prutas at gulay ay magandang pagkaing pang-diyeta dahil puno ang mga ito ng fiber at mas madaling madigest kumpara sa mga karne.
Comments
Post a Comment