Hindi maikakaila na ang pag-iisip ng mga lalaki ay naiiba sa mga babae. Marahil ang mga babae na kapag may nararamdaman o nararanasan ay madaling mailabas ito sa pamamagitan ng pakikipagusap, ang mga lalaki naman ay mas pinipiling sarilinin na lamang ito at huwag pag-usapan.
Kaya bilang isang asawa o kasintahan, narito ang mga bagay na dapat hindi na lang pagusapan at ungkatin at simulang talakayin sa iyong kapareha lalo na kung hindi siya kumportableng pinaguusapan ito!
1. Pagbanggit sa iyong dating karelasyon o kasintahan
Paniwalaan natin na para sa ikabubuti din ng inyong relasyon kung hindi na lamang pinag-uusapan ang mga naging dating karelasyon. Huwag piliting pag-usapan ito lalo na kung hindi naman niya ito gustong pag-usapan. Pag nagsimula kang magsabi ng mga magagandang bagay tungkol sa dati mong kasintahan, maaaring maghinala ang iyong kapareha na iniisip mo pa din ang iyon at hindi ka pa rin nakaka-move on. Tandaan lagi kung ano ang iyong mararamdaman kung ang iyong kasintahan naman ang nagbanggit ng kanyang dating relasyon.
2. Huwag magmarunong
Huwag kang aaktong mayabang o mapagmataas sa pakikipagkomunikasyon sa mga lalaki. Dahil likas na sa kanilang nature na maging dominante, huwag ituring ang sarili na mas magaling sa kanila dahil ayaw na ayaw nila ito. Gusto nila na tinuturing sila na mas mataas.
3. Huwag ipakitang masigla sa ibang lalaki
Normal lang na hangaan ang ibang lalaki lalo na kung dahil sa talento nito, ngunit hindi mo na kailangang talakayin pa ito sa iyong kapareha. Dahil maaaring maramdaman agad ng iyong kapareha na may hinahangaan kang mas higit pa sa kanya. Posible rin niyang isipin na ikinukumpara mo siya dito. At ayaw na ayaw nilang ikinukumpara sila sa iba.
4. Iwasang magsalita ng hindi maganda tungkol sa kanyang pamilya
Huwag na huwag kang magsasalitang hindi maganda tungkol sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina. Huwag mong sasabihin na ang kanyang mga kaibigan ay nakakainip dahil posibleng pagmulan lang ninyo ito ng away. Lubos din na maselan ang magkomento sa itsura ng iyong kapareha, lalo na kung may kailangang baguhin dito.
5. Pagsasalita ng may pahiwatig
Sinasabi nila na ang mga pag-iisip ng babae ay naiiba. Dahil kapag may gusto ito ay hindi direktang sinasabi o kaya naman ay taliwas sa kanilang nais sabihin. Ayaw ng mga lalaki ito. Hindi nila gustong hulaan kung ano ang iyong gusto o ibig sabihin talaga. Buuin ang iyong pananalita upang hindi magiwan ng ibang mensahe.
6. Pamamahiya sa publiko
Hindi gusto nang nino man na mapahiya sa harap ng publiko. Kaya huwag na huwag gagawin ito sa kanila dahil gusto nilang ipinapakitang para silang mga hari. Ang mga lalaki ay mayroon ding mga soft spots sa kanilang pagkatao.
Comments
Post a Comment