Kung Madalas na Hirap sa Pagdumi ang Bata, Ito ang mga Pagkain na Pwede Mong Ibigay Para Lumambot ang Dumi Nito!
Isa ka ba sa mga magulang na nag-aalala kung bakit hindi makadumi ang iyong anak? Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman kung ano ang mga pagkain na dapat mong ipakain sa iyong anak upang makadumi ng maayos.
Karaniwang sitwasyon ng mga sanggol at bata ang hirap sa pagdumi. Ngunit hindi mo masasabi na hirap sa pagdumi ang iyong anak hanggat walang nakikitang mga senyales tulad ng pagkairita at hindi pagbabago ng kaniyang pagdumi. Maaaring magsimula itong maranasan ng iyong anak sa unang beses na pagkain ng mga buong pagkain o matitigas na pagkain ng iyong sanggol.
Karaniwan itong nararanasan ng anim na buwang gulang hanggang sa paglaki. Kaya mainam na pakainin ng mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng prutas, at gulay dahil nakapagpapaganda ang mga ito sa paggana ng ating pangtunaw.
Ang mga sumusunod na recipe ay hindi lamang makatutulong sa pagdumi ng iyong anak. Dahil may magandang hatid din ito sa kalusugan ng iyong baby.
Narito ang tatlong recipes na makatutulong para sa inyong baby:
1. Pureed Prunes
May magandang hatid ang prunes sa ating kalusugan. Nagtataglay ito ng fiber na kailangan ng ating katawan. Ngunit hindi lamang iyon, dahil naglalaman ito ng antioxidant na may kakayahang protektahan ang ating katawan sa iba’t ibang uri ng mga sak!t. Ang pag puree o pagtunaw ng prunes ay mabisa upang lumambot ang dumi ng bata. Subalit mainam ito ipakain lamang sa mga bata na edad lima at pataas.
Sangkap:
• Kalahating tasa ng dried prunes
• Tatlong-kapat tasa ng tubig
Paano Lutuin:
• Una, Ihanda ang kawali. Painitin ito ng isa’t kalahating minuto. • Pangalawa, Ilagay ang dried prunes sa kawali ng limang minuto hanggang sa matunaw ito. • Pangatlo, Idagdag ang tubig at pakuluan ng tatlo hanggang limang minuto. • Pang-apat, Haluin ito hanggang sa lumapot. • Pang-lima, Palamigin ng kaunti at maaari mo na itong ipakain sa iyong anak.
2. Squash and Broccoli
Ang kalabasa at broccoli ay kilala bilang isang super food at ito ay kadalasang ipinapakain sa mga baby. Dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na nilalaman ng fiber, bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan para sa malusog na kalusugan.
Kailangan na Sangkap:
• Isang tasa ng hiniwang kalabasa • Kalahating tasa ng broccoli
Direksiyon:
• Una, Lagyan ng tubig ang gagamiting pangluto.
• Pangalawa, Ilagay ang kalabasa. Pakuluan ng lima hanggang walong minuto hanggang sa lumambot.
• Pangatlo, Tanggalin ang tubig. I-mash ang kalabasa at haluin. • Pang-apat, lutuin mo ito at maaari mong dagdagan ng kaunting panlasa • Pang-lima, Palamigin ng kaunti at ipakain na sa iyong anak.
Maaari rin na ihalo ang blended broccoli sa squash soup.
3. Peaches
Ang prutas na peaches o melokoton ay isang mahusay na mapagkukunan ng fiber dahil nagtataglay ito ng mataas na fiber. Pwede mong ipakain ang peaches sa mga bata na edad 2 pataas upang makatulong sa pagpapalambot ng dumi.
4. Pineapple Juice
Mabisa ang pag-inom ng bata ng pineapple juice upang lumambot ang kanyang dumi. Subalit huwag itong sobrahan dahil baka magdulot ng pagkasak!t ng tiyan.
Comments
Post a Comment