Ang mga wrinkles o kulubot sa mukha ay isa sa mga unang senyales na tumatanda na ang isang tao. Sa katunayan, may mga bagay-bagay na nagagawa natin araw-araw na hindi natin namamalayan na nakakapagdulot pala ng maagang pagtanda ng ating balat.
Ang mga kulubot sa mukha ay isang natural na proseso na nararanasan ng isang tao habang tumadanda ngunit ang iilang mga everyday habits na ito ang siyang nagpapabilis ng proseso sa pagkakaroon ng mga wrinkles. Alamin ninyo upang maiwasan ang mga ito.
1. Hindi pagkakaroon ng sapat na tulog
Ang pagtulog at pagpapahinga sa gabi ay ang pinakamagandang oras kung saan mabilis na nagre-regenerate ang ating balat. At kung hindi ka nagkakaroon ng sapat na tulog, dito rin nagsisimulang mag-form ang mga wrinkles partikular na sa mata.
2. Maling posisyon ng pagtulog
Kung nakasanayan mo ang matulog na nakadapa, iwasan mo na ito. Dahil ang posisyong ito ay nakakasama sa kalusugan at pati na rin sa balat ng mukha. Nagkakaroon ng friction sa pagitan ng balat at unan habang natutulog kaya naman mas madaling kumulubot ang balat at magform ng wrinkles. Ugaliing magtulog ng nakatihaya.
3. Hindi paginom ng sapat na tubig
Kapag hindi ka nakakainom ng sapat na tubig araw-araw, ang iyong katawan ay balat ay nagiging dehydrated. At kapag nangyari ito, ang iyong balat ay mas mabilis na magkaroon ng wrinkles formation.
4. Paninig^rily0
Ang paninig^rilyo ay nakakapagdulot ng pagbawas ng blo0d flow at hindi nagkakaroon ng sapat na nutrisyon at oxygen ang iyong balat na sa katagalan ay nagdudulot ng pagbuo ng mga kulubot. Ito rin ay rason kung bakit nagbabago ang kulay ng balat o skin discoloration.
5. Pagkain ng mga prosesong pagkain at mataas ang asukal
Ang pagkonsumo ng mga pagkaing dumaan sa proseso at may mataas na sugar content ay nakakapagpigil sa ating balat na makuha ang tamang bitamina at nutrisyon upang manatili itong makinis at malusog. Kaya bawasan na ang pagkaing tulad nito.
6. Hindi paglalagay ng sunscreen
Ang sikat ng araw kapag nasobrahan ay nakakapagdulot ng prem@ture aging ng balat. Kaya upang maiwasan ito, huwag kakalimutang maglagay ng sunscreen/ sunblock bago lalabas at makakabuting gumamit ng sumbrero at payong upang hindi mababad sa init ng araw.
7. Pagkukusot ng mata
Madalas kapag pagod ang ating mga mata ay kinukusot natin ito. Maaaring nakakapagdulot ito ng panandaliang ginhawa, ngunit sa katagalan ay hindi ito maganda. Dahil nakakapag-form ito ng mga kulubot sa paligid ng mata. Ingatan din ang pagtatanggal ng eye make-up upang hindi ma-stretch ang balat sa paligid ng mata.
Comments
Post a Comment