Skip to main content

7 Mabisang Paraan Para Maiwasan Ang Sintomas Ng Dry Eyes o Panunuyo Ng Mata



Ang ating mata ay tinaguriang "windows to the soul" dahil makikita na sa mata pa lang ang emosyon at ekspresyon ng isang tao. Kaya naman ito rin ay itinuturing na napakahalaga at napakasensitibong parte ng ating katawan. 

Napakaraming kondisyon sa mata ang nararanasan ng maraming tao, at isa na rito ang pagkakaroon ng dry eyes. Ito ay isang kondisyon na kung saan ang mata ay natutuyuan ng luha dahil sa napakaraming factors tulad ng hormonal imbalance at paggamit ng contact lense. 

Dahil ang kondisyong ito ay nakakapagdulot ng hindi komportableng pakiramdam, narito ang mga mabisang paraan upang maiwasan ang panunuyo ng mata o dry eyes.

1. Warm Compress

Ang ating mga luha ay nabubuo ng tubig, oil, at mucus. At kapag ang mga mata ay nairita o may implamasyon, tumitigil ito ang produksyon nito ng oil kaya nagkakaroon ng dry eyes. Makakatulong ang paglalagay ng warm compress sa mata upang maibalik ang moisture at matanggal ang pagbara ng oils sa ating eye glands.

2. Maglagay ng pipino

Ang pipino ay kilala na sa paggamit sa mata lalo na sa eyebags. Ngunit napatunayan sa mga pag-aaral na nakakatulong din itong bawasan ang pamamaga ng mata at iun-clog ang mga nakabarang glands. Pinapanatili rin nito ang moisture sa mata upang mapanatil itong hydrated at guminhawa ng pakiramdam na dulot ng dry eyes.

3. Maglagay ng humidifier sa kwarto

Ang maruming kapaligiran ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng dry eyes. Kung ikaw naman ay palaging naka-aircon nakakapagdulot din ito ng mabilis na pagda-dry ng mata at balat dahil nawawalan ng moisture ang hangin. Upang mapanatili ang moisture, maglagay ng humidifer sa loob ng kwarto.

4. Uminom ng sapat na tubig

Ang paginom ng sapat na tubig araw araw ay isa sa mga mahalagang bagay para sa malusog na pamumuhay. Pinapanatili nitong hydrated ang katawan, at sinisigurado na ng mata ay nakakapag-produce ng sapat naluha upang maiwasan ang panunuyo nito.

5. Iadjust ang iyong computer screen

Isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapagod ang mga mata ay dahil sa labis na paggamit ng computer. Kung ang trabaho mo ay kinakailangan kang gumamit ng computer buong araw, tiyak na pagkatapos ng araw ay hapong-hapo na ng iyong mata. Minsan ay nanunuyo na rin ito kaya nakukusot mo na ito at naiirita. Makakabuti kung malayo ang iyong mata sa computer at nasa tamang lebel ng mata ang monitor.

6. Kumain ng pagkaing mayaman sa omega 3

Bukod sa mga supplements, mayroon ding pagkain na sagana sa omega 3 fatty acids. Mabuti ang omega 3 panalaban sa implamasyon at pinopromote ang natural na produksyon ng oil sa eye glands. Ang mga pagkaing mayaman sa omega 3 ay tulad ng salmon, tuna, flaxseeds, canola oil. at soybeans.

7. Black tea bags

Ang paglalagay ng black tea bags sa iyong mata ay nakakatulong na marelax ang mata, protektahan ito, at matanggal ang pamumula. Ito rin ay may anti-inflammatory properties na nakakatulong gamutin ang dry eyes. Matapos ibabad sa maligamgam na tubig ang mga tea bags, itapal ito sa iyong mata sa loob ng 10 minuto.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...