Marami na sa atin ang nakaugalian na matutulog kahit basa ang buhok. Maaaring magiging masarap at maaliwalas sa pakiramdam ang maligo bago matulog. Ngunit hinahayaan niyo bang makatulog na basa pa ang inyong buhok? Kung ginagawa pa rin ito, dapat niyo nang itigil dahil ang daming negatibong epekto nito sa kalusugan.
Narito ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat matulog hangga't basa pa ang buhok mo:
1. Magiging sanhi ng pagpuputol-putol ng buhok
Nagiging marupok ang buhok kung ito ay basa. Kaya kapag natutulog ka na basa ang iyong buhok, maaaring masira ito at magpuputol-putol dahil sa mga pag-galaw mo habang natutulog.
2. Matinding pagkakabuhol
Madaling magbuhol ang buhok kapag ito ay basa. Kaya kung iniwan mo itong basa habang tulog, maaaring mahihirapan kang tanggalin ang mga pagkakabuhol sa iyong pagkagising na maaari rin magresulta sa pagkasira at pagpuputol-putol.
3. Pagkalagas
Magiging mas buhaghag ang buhok kung natulog kang basa ito. Kaya mas mahirap itong suklayin at makikita mo na madami ang buhok na nalalagas at nagkakaroon ng split ends.
4. Pagkakaroon ng balakubak o dandruff
Ang balakubak ay sanhi ng pagiging dry ng iyong anit. At kung natulog kang basa ang iyong buhok, mapipigilan ang produksyong ng oil sa iyong anit na maaaring magdulot ng pangangati, pagkatuyo, at pagkakaroon ng balakubak.
5. Pananak!t ng ulo
Nakakataas ng temperatura ng katawan ang pagtulog ng basa ang iyong buhok. Kaya sigurado sa iyong paggising ay matinding sak!t ng ulo ang mararanasan mo.
6. Iritasyon sa iyong anit
Kapag humiga ka sa unan na basa ang iyong buhok, naaabsorb nito ang moisture sa iyong ulo at iniiwang dry ang iyong anit na magiging sanhi ng pangangati at pagkairita.
7. Pagkakaroon ng bakterya
Mabilis na mabuo ang mga bakterya sa iyong unan lalo na kung naiiwan itong basa. At dahil gustong gusto ng mga bakterya sa moist na lugar, ang iyong buhok ay perpektong lugar para lalo pa silang dumami at kumalat sa iyong anit.
8. Pagkaparalisa ng mukha
Eto ang pinakamasamang epekto na maaaring maidulot ng pagtulog na basa ang iyong buhok. Dahil sa pagbaba ng temperatura ng katawan, ang iyong facial muscles at leeg ay maaaring magmanhid o sumakit at humantong sa pagkaparalisa ng mukha.
Paalala: Mas mainam pa rin na patuyuiin muna ang inyong buhok bago matulog upang maiwasan ang mga masamang epekto na pwedeng mangyari. Pwedeng gumamit ng blow dryer o electric fan upang matuyo ito kaagad. Iwasan din ang pagbalot ng iyong buhok gamit ang tuwalya.
Comments
Post a Comment