Ang Iron-deficiency anemia ay isang talamak na kondisyon sa buong mundo, lalo na sa bansa ng Cambodia. Dahil sa problemang ikinakaharap ng Cambodia, nakaisip ng imbensyon ang doctor na itinatawag na “Lucky Iron Fish.” Ito’y iginagamit na ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa at naging isang dahilan upang makikitaan ng magandang pagbabago ang kalusugan ng mga Cambodian.
Ang Iron-deficiency anem!a ay isang sak!t na kung saan ang dugo sa katawan ng tao ay nagkukulang sa wastong nutrisyon. Marami ang nakararanas ng k0ndisyon na ito dahil sa kakulangan ng makakain na mga masusustansyang pagkain. Sa buong mundo, ang mga Cambodian ay ang may pinakamalaking bahagdan ng may Iron-deficiency anem!a dahil mahigit 15 milyon ang umiinda sa sak!t na ito.
Upang masolusyunan ang laganap na problemang ito, nag-imbento ang doktor na si Christopher Charles ng isang makabagong idea na itinatawag na “Lucky Iron Fish.” Nakatanggap siya pagkakataon mula sa Canadian International Development Agency (CIDA) na gumawa ng pagsaliksik tungkol sa dietary iron deficiency sa bansa ng Cambodia at itoý nagbunga sa kanyang imbensyon. Bago ito, noong 2008, nag aral at nakapagtapos siya sa the University of Guelph ng undergraduate degree sa larangan ng biomedical science.
Sa kanyang pananaliksik kasama ang isang grupo mula sa Praek Russei, natuklasan nila sa mga Cambodian ang mga sintomas ng pagkakaroon ng Iron-deficiency anemia tulad ng panghihina sa pangangatawan at pag iisip.
Sa ngayon, ang makabagong imbensyon na ito ay ginagamit at laganap na sa buong Cambodia. Halos 11,000 na ng mga ito ay naipadala sa mga hospital at mga organisasyon sa bansa at mahigit sa 2,500 na pamilya na ang gumagamit nito araw araw. Ang The Lucky Iron Fish company ay ipinatayo ni Gavin Armstrong at itoý nakatulong sa pagpapalaganap nito sa bansa.
Ano ang Lucky Iron Fish?
Ang “Lucky Iron Fish” ay ginagamit sa pamamagitan ng paglagay nito sa mga iniluluto mga putahe. Ito ay nahuhugasan at nagagamit ng paulit- ulit.
Ito ay nakapagbibigay ng halos 75% sa kinakailangang suplay na iron sa katawan. Dahil dito, ang mga Cambodian ay nagkakaroon ng mas maraming enerhiya, ‘brain power’, maayos na daloy ng dugo, at mas magandang kalusugan.
Naidagdag ni Dr. Charles na ito ay nakahulma tulad ng isang uri ng isda. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na ito’y simbolo ng pagkaswerte at kasiyahan. Noon, ito'ý inihulma nila bilang isang ‘Lotus flower’ at nang pinalitan nila ito, mas naging maganda ang tugon ng mga taganayon sa imbensyon.
Comments
Post a Comment