Skip to main content

Malulula Ka Sa Presyo Ng 10 Pinakamahal Na Pagkain Sa Buong Mundo!

Napakaraming iba't ibang klase ng pagkain sa buong mundo. Kung iisipin, bawat bansa, relihiyon, at lahi ay may kanya-kanyang pagkain. Maging ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanya ring sariling 'taste' pag dating sa pagkain. 

May pagkaing mura, may pagkaing mahal. Narito't tatalakayin sa artikulong ito ang mga pinakamahal na pagkain sa buong mundo na talaga namang malulula ka presyo at maaaring ngayon mo pa lang makikita!

1. Matsutake Mushrooms

Ang mga mushrooms, magkakaparehas man ang itsura ay may kanya-kanya ring klase. Isa na rito ang pinaka 'rare' na mushroom, ang matsutake mushrooms na native sa bansang Japan ngunit malimit ding makita sa ibang Asian countries. Ang presyo ng mga ito ay umaabot sa halagang $600 kada kilo  o higit Php30,000.

2. Kopi Luwak Coffee

Hindi mo aakalain ang proseso sa paggawa ng kapeng ito. Itinuring itong pinakamahal na kape sa buong mundo na may presyo mula $250-$1200 kada kilo (Php13,000-Php63,000). Ang kapeng ito ay nakukuha mula sa dumi ng mga Asian palm civet.

3. White Pearl Albino Caviar

Ang caviar ay ang mga itlog ng isda na galing sa mga obaryo ng mga marine animals gaya ng scallop, hipon, at sea urshins. Ang isang kilo ng caviar na ito ay nagkakahalagang $9100 o Php478,000 plus.
4. Swallow's Nest Soup


Ang pugad ng mga ibong swallows ay gawa sa kanilang sariling laway. Sa ngayon, ang kanilang mga pugad ay kasalukuyang ginagamit sa mga Chinese delicacy dahil sa paniniwala nila na maganda ito sa balat at sa kalusugan. Kaya ganito na lamang kamahal ito ay dahil napakadelikadong makakuha ng swallow's nest. Per kilo nito ay may halagang $3,000 o Phph157,000.


5. Saffron

Ang saffron ang isa sa mga pinakamahal na pampalasa sa buong mundo. Nagkakahalaga ito ng $400-$1000 kada kilo (Php20,900-P52,000) dahil bukod sa napakadalang lang nitong tumubo ay napakahirap pang anihin.

6. White Truffles

Ang white truffles ay isang wild at natural product na hindi mo pwedeng itanim. Sa Europe, ang isang kilo ng white truffles ay nagkakahalagang Php100,000 o higit pa.
7. Black Chicken

Ang Aya Cemani Black Chicken ay isang uri ng breed ng manok sa Indonesia. Ang nakakamangha pa  dito dahil ang manok ay kulay itim at maging ang laman nito. Hindi ito gaanong ineexport sa ibang bansa dahil sa takot sa bird flu. Ang isang sisiw nito ay nagkakahala na ng $200.

8. Japanese Wagyu Steak

Ang mga wagyu steaks ay gawa sa Japanese beef, isa sa mga pinakamalasa at pinakamahal na steak sa buong mundo. Ito ay dahil ang karne nito ay may napakasarap na aroma at kakaibang texture. Ang isang kilo ng karneng ito ay nagkakahalgang $450.

9. Moose cheese

Kaya naman pala ito ang pianakamahal na cheese sa buong mundo dahil iisang lugar lamang ang paggawaan nito. Ang isang kilo nito ay may halagang $1074 at napakalimitado lamang ng kanilang ginagawa.

10. Mga kakaibang hugis ng prutas

Karaniwan ang mga prutas ay may hugis pabilog o pahaba. Ngunit dahil sa mga gumagamit ng fruit molder ay nagkakaroon ng iba't ibang hugis ang mga ito at ibebenta ng mas mahal kumpara sa mga orihinal na hugis ng mga prutas.




Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...