Nagiisip ka ba ng paraan kung paano matatanggal ang namamagang gilagid? Kung minsan sa paglilinis ng ngipin ay dumudug0 ang iyong gilagid o kaya naman tuwing ikaw ay gumagamit ng floss? Ang kalagayang ito ay tinatawag na gingival swelling o gingivitis/periodontitis sa termino ng medical.
Ang pamamaga ng gilagid ay maaaring sanhi ng plaque at tartar sa ating bibig, viral o fungal !nfection, pagkairita ng gilagid sa pustiso, pagbubuntis, allergies a mga pagkain at sugat sa gilagid. Sa mga sitwasyong ito ay maaaring magdulot ng pamamaga, pagdurug0, pagsak!t ng gilagid, at mabahong hininga. Ngunit ang pagkakaroon ng sak!t sa gilagid ay hindi nagagamot sa bahay. Nangangailangang komunsulta sa dalubhasa para sa paggamot ng sak!t.
Ang natural remedies ay isang pamamaraan sa paggamot ng namamagang gilagid na may simpleng sangkap na gagamitin na matatagpuan sa iyong bahay. Magagamot nito ang sakit na nararamdaman at mabibigyan ng kaginhawaan.
Basahin ang pitong epektibong home remedies na makapagbibigay ng kaginhawaan sa iyong nararamdaman na sak!t sa pamamaga ng gilagid:
1. Salt Water
Ito ang karaniwang unang ginagamit sa mga home remedies para sa mga oral problems. Dahil ang salt water ay may kakayahang neutralisahin ang pH ng bibig. Nakakapag-paginhawa rin ito ng namamagang gilagid. Sa katunayan, tinutulungan nitong mapakalma ang pamamaga sa paraan ng nilalaman niyan anti-inflammatory properties.
Paano ito gagawin:
-Una, Kumuha ng isang kutsarang asin.
-Pangalawa, Maghanda ng isang basong maligamgam na tubig.
-Pangatlo, Ilagay ang asin sa tubig at haluin.
-Pang-apat, Imumog ito ng paulit-ulit hanggang maubos ang ginawang remedy.
-Pang-lima, Gawin ito pagkagising sa umaga, bago matulog at pagkatapos kumain.
2. Ginger
Ang luya ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties at naglalaman ng antioxidants na may kakayahang mabawasan ang pamamaga ng gilagid. Kaya isa ito sa sagot sa pinoproblemang namamagang gilagid.
Hakbang sa paggawa:
-Una, Humiwa ng kapirasong luya. At maghanda ng kalhating kutsarang asin.
-Pangalawa, Pagkuskusin ang hiniwang luya hanggang sa lumabas ang katas. Idsagdag ang asin para makuha ang magaspang na paste.
-Pangatlo, Ipahid ang paste sa parting namamagang gilagid. Hayaan ito hanggang sampong minuto.
-Pang-apat, ,akalipas ang sampung minuto, hugasan ang iyong bibig o magmumog ng tubig.
-pang-lima, Ulitin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
3. Baking Soda at Turmeric
Maraming mga tao ang gumagamit ng home remedies na ito para sa paggamot ng namamagang gilagid. Sa taglay nitong antiseptic at antibacterial ay ginagamot ng baking soda ang !mpeksiyon na nagdudulot ng pamamaga. May kakayahan rin itong mabawasan ang pamamaga ng ating gilagid at pinagiginhawa ito. Ang turmeric ay nagtataglay ng antimicrobial na nakatutulong sa mabilis na pagporoseso ng paggaling.
Mga gagawin:
-Una, Maghanda ng isang kutsarang baking soda at kalahating kutsarang turmeric.
-Pangalawa, Paghaluin ang baking soda at turmeric.
-Pangatlo, Imasahe ito sa iyong apektadong gilagid ng tatlo hanggang limang minuto.
-Pang-apat, Magmumog gamit ang malinis na tubig. Maaari rin gamiting panglinis ng ngipin ang baking soda para sa paggamot ng namamagang gilagid.
-Pang-lima, Gawin ang home remedy na ito tuwing umaga at gabi.
4. Lemon Juice
Naglalaman ng antimicrobial ang lemon na siyang pumapatay sa mikrobyo na sanhi ng !mpeksiyon at nagdudulot ng pamamaga sa gilagid. May kakayahan rin itong balansehin ang pH sa ating bibig.
Hakbangin:
-Una, Humiwa ng isang pirasong lemon. At maghanda ng isang basong tubig.
-Pangalawa, Pigain ang hiniwang lemon. Ihalo ito sa isang basong tubig.
-Pangatlo, Imumog ito hanggang sa maubos para makuha ang benepisyong hatid nito.
-Pang-apat, Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw hanggang sa guminhawa ang pakiramdam.
5. Aloe Vera Gel
Karaniwan itong nakikita sa mga hardin o bakuran. May mahabang patusok na sukat at kulay berdeng halaman. Ang gel na tinataglay nito ay naglalaman ng antibacterial, anti-inflammatory, at antioxidants na nakatutulong sa paggamot sa namamagang gilagid.
Mga kailangan na gawin:
-Una, Kumuha ng isang pirasong aloe vera at hinawin ito.
-Pangalawa, Pisilin ang hiniwang aloe vera para mas lumabas ang gel nito na nasa loob.
-Pangatlo, Ipahid ang gel ng aloe vera sa gilagid ng sampo hanggang labing dalawang minuto.
-Pang-apat, Magmumog ng malinis na tubig. At Maaari rin imumog ang gel ng aloe vera.
-Pang-lima, Ulitin ito ng dalawang beses sa isang araw.
Comments
Post a Comment