Madalas na pinaguusapan ang diabetes. Ito ay may dalawang uri, ang type 1 at type 2. Ang dalawang uri na ito ay parehas na hindi makagawa at makagamit ang katawan ng insulin. Bagkus, nabubuo ang asukal sa ating katawan na nagdudulot ng hindi maiwasang kondisyon sa pangangatawan.
Ang kondisyon na diabetes ay walang lunas. Ngunit napakaraming mga natural na remedy para maiwasan ito, mapababa at mabalanse ang asukal sa ating katawan. Kaya sa patuloy na pagbabasa sa artikulong ito, mabibigyan ka ng karagdagang kaalaman sa natural na paggamot ng diabetes. Maaari rin itong isama sa iyong pangaraw-araw na diyeta. Tiyak lubos na makatutulong ito sa iyo.
Narito ang pitong pagkain na dapat ninyong kainin o inumin upang makontrol ang diabetes:
1. White Radish o Labanos
Ang halamang gulay na labanos ay isa sa natural na mapagkukuhanang, pagbawas ng asukal sa ating dugo. Kaya mainam itong isali sa iyong diyeta. Hindi lamang makabubuti sa pagbabalanse ng asukal sa katawan kung hindi nagtataglay ng maraming benepisyo na ikakaganda ng kalusugan. Ito rin ay naglalaman ng napakaraming bitamina na kaylangan n gating katawan.
Paggawa ng salad radish:
-Balatan ang labanos. Hiwain ito ng manipis na mahabang sukat.
-Idagdag ang isang pirasong karot at sangkapat na luya. Hiwain ito kaparehas ng sukat ng nasa unang hakbang.
-Paghaluin ang labanos, karot at luya. Kainin ito ng hilaw sa araw-araw.
2. Betel Leaf o Paan
May hugis puso ang betel leaf at berde ang kulay. Kilala rin ito sa pangalan na paan. Kilala itong mouth freshener sa India. Marami itong taglay na benepisyo, isa na rito ang benepisyo na para sa s@k!t na diabetes.
Paraan para makuha ang benepisyo:
-Kumuha ng isa o dalawang pirasong betel leaf na maaari mong kainin ng hilaw.
-Sa pamamaraan ng paginom, Maghanda ng apat hanggang limang piraso ng betel leaf, isang mansanas o mga berdeng gulay at iblend ito.
-Idagdag ang honey para maibsan ang pait na lasa nito. Maari rin lagyan ng kalahating basong tubig.
-Gawin ito araw-araw.
3. Unripe Bananas
Karaniwang makikita ang saging sa merkado, tindahan at sa bahay. Madalas na ginagamit panghimagas. Ito ay puno ng benepisyong nakakaganda sa ating katawan. Nagtataglay ito ng pectins at resistant starch na nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar lalo na kung ito ay gagawing inumin.
Paano gawin ang unripe banana juice:
-Magbalat ng tatlong pirasong hilaw na saging.
-Hiwain ang saging at pakuluan ng dalawang minuto.
-Ilagay ang napakuluang saging sa blender. Iblend ito hanggang sa maging mapino.
-Idagdag ang kalahating basong tubig. Haluin muli o iblend.
-Inumin ito ng walang laman ang tiyan. Maaari rin na pagkatapos kumain.
4. Ginseng Tea
Maraming benepisyo ang maaaring makuha mula sa ginseng tea tulad ng pampalakas ng katawan, nagpapaginhawa sa sak!t ng puson, nagpapababa ng blood pressure at sa paggana ng utak. Kilala rin ito sa kakayahang magpababa ang asukal sa ating dugo at sa pagbalanse rito. Basahin ang sumusunod kung paano makukuha ang benepisyong ito.
Hakbang para gawin:
-Kumuha ng ugat ng ginseng at Pagpira-pirasuhin.
-Pakuluan ang ugat ng ginseng sa loob ng limang minuto.
-Alisin ang ugat at isalin sa baso ang pinagpakuluan na tubig
-Maaari nang inumin ang ginseng tea at ipalit sa kape
5. Broccoli o mga berdeng gulay
Sa paghahanap ng healthy diet ay isa napakagandang desisyon ang pagsama sa iyong listahan ng mga berdeng gulay. Pati na rin sa mga taong nagtagtaglay ng type 1 at type 2 diabetes. Ang broccoli at spinach ay may kakayahang mapababa ang asukal sa ating katawan at mabalanse ito. Matutulungan rin makagawa ng insulin sa ating katawan.
Paggawa:
-Humiwa at maghanda ng isang tasang broccoli at spinach.
-Idagdag ang pinya at saging.
-Ilagay ang lahat ng sangkap sa blender. Isama ang unsweeted almond milk.
-Iblend ito ng limang minuto hanggang sa maging mapino.
-Maaari mo na itong inumin.
6. Jack Fruit o Langka
Ang langka ay mayaman sa mineral, protina, at bitamina na siya namang kailangan at makatutulong sa mga taong may sak!t na diabetes. May kakayahang mabalanse ang asukal sa katawan. At ang hilaw na buto nito ay may magandang kalidad ng fiber at mababa ang taglay na asukal.
Kailangan na gawin:
-Kumain ng sariwang langka at buto nito.
-Maari rin itong gawing inumin. Sa pamamagitan ng pagblend sa langka.
7. Rice water at Okra
Ang okra ay kilala bilang superfood. Tinatawag rin itong ladyfinger. Ito ay nagtataglay ng fiber at may magandang epekto sa lebel ng blood sugar.
-Pagpira-pirasuhin ang okra. -Maghanda ng bigas at pakuluan ng tatlong minuto. -Ilagay sa baso ang rice water. At idagdag ang hiniwang okra. -Hayaan ito ng magdamag. Kinaumagahan pisilin ang okra na nasa baso. -Inunim ito ng walang laman ang tiyan.
Maraming sapong salamat sa kaalaman na nai share nyo sa akin more power and god bless
ReplyDelete