Skip to main content

5 Kombinasyon Ng Pagkain Na Hindi Hindi Dapat Pinagsasama Dahil Sa Epekto Nito Sa Katawan

Marami sa atin ang mahilig gumawa ng kombinasyon pagdating sa pagkain. Dahil ito ay isang paraan para mas masatisfy ang atinng panlasa at upang hindi agad masuya sa kinakain. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na mayroong mga iilang pagkaing hindi dapat pinagsasamang kainin dahil nakakapagdulot ng iba't ibang isyu sa kalusugan partikular na sa digestive process.

Maaaring ito ay magdulot ng pananak!t ng tiyan, pagsusuka, at kahirapan sa pagdumi. Narito at alamin ang mga kombinasyon na ito upang hindi niyo na uuliting kainin na magkasabay.

1. Lemon at gatas

Kapag hinalo ang lemon juice at gatas, ang gatas ay masisira at magbubuo-buo. Ito ay dahil ang protina sa gatas ay dadaan sa prosesong precipitation dahil pinapataas ng lemon juice ang acidity sa gatas. At hindi mo gugustuhing uminom ng nagbuo-buong gatas dahil maaaring masira ang iyong tiyan.

2. Mint at softdrinks

Ang mint ay isang dahon na kadalasang inilalagay sa mga inumin gaya ng tubig dahil mayroon itong refreshing na panlasa. Ngunit hindi ito magandang isama sa mga carbonated drinks tulad ng softdrinks dahil magkakaroon ito ng chemical reaction. Maaari itong magdulot ng sobra-sobrang pagdighay at pagsusuka.

3. Saging at gatas

Ayon sa mga nutritionist, mas mainam kung kakainin mo ang mga prutas ng walang kasabay dahil ang mga matatamis na prutas ay mas nagtatagal sa digestive system na nakakapagpabagal sa digestive process. Kapag pinaghalo ang saging at gatas, nagiging mabigat ito sa tiyan.

4. Isda at gatas

Ayon sa ibang tao, hindi maganda ipagsabay kainin ang gatas at isda dahil nagkakaroon ng t0xic combination sa loob ng katawan na nagdudulot ng isang kondisyon sa balat na Vitiligo, o ang pagkakaroon ng patse-patseng sa balat na hindi tugma sa iyong skin color.

Ngunit wala pa namang siyentipikong ebidensya ito. Pero mas maganda kung iwasan na lamang upang kapag nakaranas ka ng hindi komportableng pakiramdam sa iyong tiyan.

5. Beans at cheese

Ang cheese at beans ay kadalasang pinagsasama sa mga Mexican dishes. Pero tiyak na kapag pinagsama ang dalawang ito ay nagdudulot ng kabag at bloating sa iyong tiyan. Kung mahina ang iyong sikmura sa ganitong klaseng pagkain ay mas makakabuting iwasan na lamang.



Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...