Mayroon ka bang kakilala na kapag natutulog sa gabi ay naririnig mong pinagkikiskisan ang kanyang mga ngipin o teeth grinding? Maaaring minsan sa ating buhay ay naranasan na rin natin ito dahil ito ay inboluntaryong nangyayari kapag tayo ay natutulog.
Ang kondisyong ito ay tinatawag na teeth grinding o bruxism. Ito ay isang hindi magandang gawain dahil maaaring pagkagising mo ay mayroon kang masak!t na panga, masak!t na ulo, at sa katagalan ay pudpod na mga ngipin.
Upang matigil ang pagkasira at pagkapudpod ng mga ngipin, narito ang mga tips upang maiwasan ang TEETH GRINDING!
1. Bawasan ang stress
Ang stress ay isang karaniwang dahilan kung bakit ka nagte-teeth grind sa gabi. Dahil sa umaga ay maaaring nagooverwork ang iyong katawan kaya sa gabi ay nagiging sobrang pagod ka.
2. Iwasang kagatin / nguyain ang mga bagay na hindi naman pagkain
Minsan hindi mo namamalayan na mayroon kang habit gaya ng pagkagat ng ballpen o lapis. Ang pagkagat o pagnguya ng mga bagay na hindi naman pagkain ay maaaring magdala lamang ng bakterya sa iyong bibig kaya naguguluhan ang iyong normal mouth activity. Ang habit na ito ay maaaring mauwi sa teeth grinding dahil sa hindi makontrol na pagnguya ng mga bagay na hindi naman pagkain.
3. Bawasan ang inuming may caffeine at alc0h0l
Upang maiwasan ang bad habit na ito, dapat ay isaalang-alang rin ang iyong diyeta. Dahil kung ano ang kinakain natin ay nakakaapekto sa ating pangkalahatang kalusugan. Isa ring stimulant ang caffeine na ginagawa kang super active sa umaga kaya nahihirapan kang magrelax sa gabi na pwedeng magdulot ng bruxism.
4. Isama ang calcium at magnesium sa iyong diyeta
Ang pagte-teeth grind ay maaari ring senyales sa katawan na nagkukulangan ka ng ilang mga supplements tulad ng calcium at magnesium. Ang mga mineral na ito ay kailangan sa maayos na paggana ng mga muscles at kalusugan ng ating utak.
5. Magsuot ng mouth guard
Ang mouth guard ay gawa sa silicone na eksakto sa iyong mga ngipin at isinusuot ito upang ma-protektahan ang iyong ngipin sa inboluntaryong pagkikiskisan sa gabi.
Comments
Post a Comment