Karamihan sa mga kababaihan ay conscious sa kanilang timbang. Sino ba naman ang hindi magnanais na magkaroon ng balingkinitan at seksing katawan? Iyan na yata ang pinapangarap ng mga kababaihan hanggang sa kanilang pagtanda.
Ngunit marami ang nagtataka kung bakit pagtuntong sa edad na 40 pataas ay mas mabilis silang madagdagan ng timbang. Narito ang mga natatagong rason kung bakit!
1. H0rmonal imbalance
Habang tumatanda ang isang babae ay nababawasan ang produksyon ng hormone na estrogen at nagreresulta sa horm0nal imbalance. Kapag nagkukulang na ang hormone na ito ay nare-retain ang fats sa katawan na sa kalaunan ay nauuwi sa pagdagdag ng timbang.
2. Kumokonti ang produksyon ng progester0ne
Ang progesterone ay isa ring hormone na pino-produce ng obary0 ng babae. Kapag ang hormone na ito ay kumonti nagreresulta ito sa bloating at nananatili ang tubig sa loob ng katawan na siyang nakakapagpadagdag ng timbang.
3. Bumabagal ang metabolismo
Isa sa mga dahilan ng mabilis na pagtaba habang tumatanda ay pagbagal ng metabolismo. Kaya kapag nangyari ito, babagal ang iyong katawan na sunugin ang sobrang taba.
4. Pagkakaroon ng gana sa pagkain / increased appetite
Dulot na rin ng pagbabago sa hormones kaya mas nagiging magana kang kumain at mas mabilis kang magutom. At kapag ang isang tao ay nag o-overeat, mas mabilis siyang tumaba.
5. Stress
Ang mga babaeng tumuntong na sa edad 40 pataas ay nagkakaroon ng mas mataas na stress level dahil mas dumadami ang kanilang mga responsibilidad. Kapag ang isang babae ay palaging stressed, ang kanyang adrenal glands ay nagpo-produce ng cortisol upang labanan ang stress ngunit pinipigilan nito ang pagbabawas ng timabang kaya ka tumataba.
6. Nawawalan ng ehersisyo o physical activity
Ang akala ng ibang babae na kapag sila ay tumatanda ay hindi na nila kailangang mag-work out o mag-exercise. Ang paniniwalang ito ay mali. Mas tumataas ang tiyansa mo na tumaba at magkaroon ng problema sa puso kapag tinanggal mo ang ehersisyo sa iyong buhay.
Comments
Post a Comment