Skip to main content

7 Mahalagang Senyales Na Dapat Alamin Kapag Kulang Sa Calcium Ang Iyong Katawan!

Noong tayo ay bata pa, madalas na ipainom sa atin ng mga magulang natin ay gatas. Ito raw ay dahil makakatulong ito sa ating paglaki. Pero kapag ikaw ay tumatanda na, nakakalimutan na nating uminom ng gatas at binabalewala ang importansyang naibibigay nito tulad na lang ng calcium.

Ang calcium ay isa sa mga esensyal na mineral na kailangan sa pagpapatibay ng mga buto, pang stabilize ng blo0d pressure, pagta-transmit ng mga nerve signals at iba pa. Ang calcium ay maaaring makuha sa pagkain tulad ng dairy products, gatas, maberdeng gulay, soya, tofu, at nuts.

Kapag ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na calcium, maaaring magresulta ito sa calcium deficiency at maaaring ipakita ang mga sumusunod na warning signs na ito:

1. Marupok na buto

Ang calcium ay matatagpuan sa ating mga buto at ito ang nagpapatibay sa mga ito. Kapag ang isang tao ay nagkukulangan ng calcium supply, ang gagawin ng katawan ay kukuha ito mula sa ating mga buto na magiging dahilan ng pagiging marupok at mahina ng mga buto.

2. Marupok na mga kuko

Tulad ng ating mga buto, kailangan din ng ating mga kuko ang calcium upang mapanatili itong matibay. Kaya kapag ikaw ay mayroong calcium deficiency, ang iyong mga kuko ay magiging tuyo, marupok, at pwedeng magbitak-bitak. 

3. Pananak!t ng ngipin

Nakatago rin sa ating mga ngipin ang calcium. Kaya kung hindi ka nakakakuha ng sapat na calcium, mapapansin na ang mga ngipin ay naninilaw, agad nasisira, nangingilo, at sumasak!t.

4. Muscle cramps / pulikat

Ang calcium ay may importanteng papel na ginagampanan sa pag contract ng mga muscles sa hita, binti, paa, braso at kamay. Kung nakakaranas ng madalas na pamumulikat ng paa sa kalagitnaan ng gabi, maaaring senyales ito na kulang ang iyong katawan ng calcium. Ang pulikat na ito ay maaari ring maranasan kapag naglalakad o gumagalaw at maaaring mauwi sa pagkakaroon ng muscle spasms sa buong katawan.

5. Paresthesia / pagmamanhid

Ang paresthesia ay isang pagmamanhid na nararamdaman sa paligid ng bibig, kamay at daliri na maaaring may kasamang neur0logical symptoms tulad ng halusinasyon at mahinang memorya na kaugnay sa pagkakaroon ng kakulangan calcium sa katawan. 

6. Hirap sa paglunok

Dahil ang calcium ay may mahalagang papel na ginagampanan sa muscle contractions, maaaring maapektuhan rin ang iyong paglunok. Dahil ang pagkakaroon ng calcium deficiency ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng mahinang contraction ng muscles sa iyong lalamunan. 

7. Depresy0n

Nagpag-alaman na ang calcium ay esensyal din sa pagreregulate ng ating mood. Dahil ang elementong ito ay may pampakalma at relaxing effect sa katawan. Kaya kung mahina ang pagkonsumo mo ng calcium, mas mataas ang tiyansa mong maging depressed at iritable.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...