Anong luto ng talong ang iyong paboritong kainin? Kahit saang putahe man ilagay ito, iluto man ng torta, inihaw, o binagoongan ay napakasarap pa rin nito.
Huwag niyo ring ismolin ang talong dahil ito ay sagana sa bitamina, fiber, potassium, vitamin B6, at C na epektibo rin sa pagpapagaling ng mga karamdaman tulad ng diabetes, high blo0d, at obesity. Narito at alamin niyo pa ang mga benepisyong makukuha dito!
1. Tumutulong sa pagkontrol ng diabetes
Ang talong ay magandang source ng fiber at mababa sa carbohydrates. Nakakatulong itong iregulate ang blood sugar levels at kinokontrol ang absorption ng glucose. Mainam itong kainin ng mga taong may type 2 diabetes.
2. Maganda para sa puso
Ang regular na pagkain ng talong ay nakaka-enhance sa kalusugan ng iyong puso dahil tumutulong itong pababain ang iyong cholesterol levels at i-stabilize ang iyong blo0d pressure. Sa madaling salita, binabawasan nito ang iyong tiyansa sa pagkakaroon ng heart dis**se.
3. Pinapatalas ang memorya
Kung nais mong mapatalas ang iyong memorya, isama ang talong sa iyong diyeta. Nagtataglay ito ng phytonutrients na pumoprotekta sa mga cell membranes laban sa pagkasira upang mapreserba ang iyong memorya.
4. Pampapayat
Kung naghahanap ka ng alternatibong pagkain upang ikaw ay pumayat nang hindi ginugutom ang sarili, ang talong na ang iyong kasagutan. Dahil ito ay mataas sa water content at mababa lamang ang calories. Kaya kapag ito ang iyong kinain ay mas agad kang mabubusog at hindi na mapapakain ng marami.
5. Tumutulong sa tamang pagtunaw at konstipasyon
Hirap ka bang matunawan at nagkakaranas ng konstipasyon? Kumain ka ng talong dahil mataas ang fiber nito na nagpapanatiling malusog ang iyong digestive system. Mabisa rin ito para sa mas madaling paglalabas ng dumi.
6. Nakakapagpabawas ng presyon at stress
Pangkaraniwan ng karamdaman ngayon ang high blo0d at stress, at maaari itong maranasan nino man. Samantala, ang talong ay mayaman sa bioflovonoids na kilala sa pagpapabawas ng presyon at kinokontrol ang stress levels ng katawan.
7. Prebensyon ng komplikasyon sa pagbubuntis
Ang folate at folic acid na taglay ng talong ay nakakatulong sa malusog na development ng sanggol sa sinapupunan. Nakakatulong din ito na maiwasan ng mga sanggol ang pagkakaroon ng neural tube defects at esensyal para sa brain development.
8. Pinapalakas ang immune system
Hindi man ganoong kataas ang vitamin C sa talong ay nakakapagpatibay naman ito ng resistensya dahil sa taglay na powerful phytonutrients at antioxidants. Ang mga elementong ito ay mayroong antimicrobial at antiviral na kakayahan na gumagawa ng proteksyon sa katawan laban sa mga bakterya at virus sa paligid.
Comments
Post a Comment