Alamin ang Rason Kung Bakit Mahalaga ang Pagkain ng Toge o Sprout! Narito Kung Ano ang Naidudulot Nito!
Maraming benepisyo pala ang makukuha natin sa pagkain ng toge. Nagtataglay ito ng maraming bitamina at nutrients para mas mapaganda ang kalusugan. Ito ay nagpapaganda ng ating buhok at balat.
Alamin ang mga benefits na makukuha sa pagkaing Toge o Sprout upang mas mapadalas ang kain ninyo ng ganito:
1. Nakatutulong sa digestion
Nagtataglay ang sprout o toge ng mataas na living enzymes nakatutulong upang mas mapabilis ang metabolismo. Ang mga enzymes ay nakatutulong upang ma-digest ang pagkain ng mabuti at makuha ang mga nutrients na kailangan ng katawan. Mas pinapainam nito ang mga chemical reactions sa katawan lalo na sa pag-digest. Marami rin itong dietary fiber kaya mas napapadali nito ang digestion.
2. Tumutulong sa pag-detoxify ng katawan
Maraming dumi ang natatanggap ng katawan kaya kailangan itong i-detoxify upang mas maging maganda at malusog ang katawan. Nagtataglay ang toge ng silica, isang nutrient na tumutulong sa pag regenerate ng balat. Tinatanggal din nito ang ibang dumi sa katawan.
3. Isaayos ang Hormonal Imbalance
Kadalasang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok ay ang hormonal imbalance at nakatutulong ang sprout upang iwasan ito.
4. Pinipigilan ang Biotin Deficiency
Maaaring tumaas ang biotin sa katawan kapag kumain ng toge. Ang biotin ay isang bitamina na tumutulong i-convert ang nutrients sa enerhiya. Maganda rin ito sa buhok, balat at kuko. Mas mapapaganda ang buhok at mas magiging malusog ito kapag kumain nito.
5. Pinapaganda ang blood circulation
Mas pinapabuti nito ang pagdaloy ng dugo at mga ugat para kumapal at lumakas ang buhok.
6. Nakatutulong sa pagtubo ng buhok
Nagtataglay ito ng Vitamin C para sa malusog at magandang pagtubo ng buhok. Pinupuksa nito ang free radicals sa katawan na dahilan ng manipis at marupok na buhok.
7. Magandang pagkuhanan ng Antioxidants
Makikita ang potent antioxidant na pumipigil sa corrosion ng tissue at nagpapababa sa tsansa ng pagputi ng buhok na dulot ng oxidation sa mga tissues.
8. Nagtataglay ng Vitamin A
Ang Vitamin A ay mainam para sa pagstimulate ng hair follicles dahilan upang mas maraming buhok ang tumubo sa anit. Kapag kulang sa Vitamin A ay pwedeng magkaroon ng tuyong anit at pagkawala ng buhok.
9. Mayaman sa Iron
Ang iron ang siyang nagdadala ng oxygen sa anit lalo na sa mga ugat ng buhok. Madaling malagas ang buhok kapag kulang ito sa Iron.
10. Mayaman sa Zinc
Nakatutulong ang Zinc upang hindi matuyo ang anit at buhok. Maganda ito para sa kalusugan ng anit.
11. Nagtataglay ng Vitamin K
Ang vitamin K ang siyang nagdadala ng protina sa anit.
12. Nagtataglay ng Omega Acid
Nilalabanan ng omega 3 fatty acid ang pagkatuyo at pagkarupok ng buhok. Kaya naman mas nagiging mas matibay at makinang ang buhok.
13. Panlaban sa Dandruff
Ang sprout ay mayroong selenium na pinupuksa ang Malassezia, ang fungus na nagdudulot ng balakubak. Nawawala ang balakubak dahil sa selenium.
14. Magandang balat
Nagtataglay ang sprout ng madaming bitamina upang mas mapaganda ang balat.
15. Ginagawang Hydarted ang balat
Mayaman sa vitamin B ang pea sprouts at pinapatiling malusog ang balat. Pinipigilan din nito ang sobrang dami ng sebum. Pwedeng maglagay ng pea sprouts para mawala ang wrinkles sa mukha.
Comments
Post a Comment