Dahon ng Bayabas Home Remedies Para sa Acne, Dark Spots at Namamalat na Balat. Narito Kung Paano Ito!
Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga tao ng mga alternatibong paraan upang malinis ang katawan gamit ang natural na paraan mula sa mga kemikal na kumakapit sa ating balat.
Ayon sa report ng House of Health, maaaring mabawasan ang mga wrinkles, dark spots at ilan pang mga allergies sa balat sa pamamagitan ng mga dahon ng bayabas.
Ayon naman sa Medical Daily, ang mga dahon ng bayabas ay nagtataglay ng mga antioxidants, anti-inflammatory agents, antibacterial agents at tannins na nagasasabing may tiyak na benepisyo kabilang na ang paggamot sa pagsak!t ng tyan at mga chr0nic dis**ses.
Dahil dito, ang mga dahon na ito ay ginagamit bilang panggamot at ilan sa mga ito ay maaaring gawin kahit nasa bahay lamang. Sinasabing nakapagpapagaling din ito ng mga skin dis**se.
1. Maaaring makagamot ito ng atopic dermat!tis
Ang atopic dermat!tis ay isang malalang eczem@tous skin dis**se na nagsisimula mula pagkabata. Ang mga taong may ganitong sak!t ay mayroong napakasensitibong balat at may tyansang magkaroon ng makapal at namamalat na balat.
Kapag nilagyan ng dahon ng bayabas ang parte na iyon, maaari nitong maibsan ang skin irritation at pamumula.
Ang mga dahon din na ito ay mayroong anti-allergic properties na posibleng pumigil sa produksiyon ng histamines o mga kemikal na nilalabas sa katawan kapag mayroong mga allergies.
Kailangan lamang durugin ang mga pinatuyong dahon ng bayabas at pagkatapos ay lagyan ng mainit na tubig. Pagkatapos nito ay maaari nang ipahid sa balat upang maging epektibo ito.
2. Ang mga dahon ng bayabas ay maaaring gamot para sa acne o tigyawat
Sinasabing ang dahon ng bayabas ay kapaki-pakinabang laban sa mga micro-organisms at iba pang mga bacteria na nagdudulot ng acne dahil mayroon itong antibacterial properties.
Ang mga dahon din na ito ay sinasabing anti-wrinkle agent at nakakapagpaganda ng kabuuang kalusugan ng balat.
3. Maaari nitong maibsan ang mga dark spots
Pwedeng gamitin ang dahon ng bayabas bilang alternatibong toner upang mawala ang mga pula at mga itim na marka sa mukha. Maaari din nitong patay!n ang mga microscopic organisms upang mabawasan ang skin irritation.
Upang makamit ang benepisyo nito, kailangan lamang kumuha ng dahoon ng bayabas at durugin ito, pagkatapos ay ilagay sa kumukulong tubig. Kailangang pakuluan ang mga ito hanggang sa maging kulay brown na ang tubig.
Pagkatapos nito, maaari nang palamigin ito at ipahid sa mukha gamit ang bulak at iwan ito ng 15 minuto.
Maaaring banlawan ito ng maligamgam na tubig. Para sa magandang resulta, ulitin ito ng dalawang beses kada lingo.
Comments
Post a Comment