Skip to main content

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!




Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 

Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:

1. Tuna

Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 



2. Tilapia

Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito.
                        
3. Palos o Igat 


Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring makasama sa kalusugan. Kadalasan itong natatagpuan sa mga industrial waste kung saan dumadaloy ang dumi ng mga factory.



4. Hito


Lingid sa kaalaman natin na ang ibang hito ay pinalaki sa ibang mga factories . Dapat itong iwasan dahil nagtataglay ito ng hormones upang maging mas malaki ito at dumoble ang bigat at laki nito. Maaari rin itong magdulot ng malalang karamdaman tulad ng c@nc3r dahil sa iba't ibang pagkain o kemikal na pinapakain dito.

Ilan lamang ito sa mga isdang mapanganib kainin. Kaya naman dapat ay mag-ingat sa pagbili at pagkain ng mga isdang ito dahil importante ang kalusugan. Baka sa akala nating mas mapapabuti tayo ay mas makasama pa sa atin. Dapat maging mas maalam sa mga ganitong klaseng impormasyon upang mapangalagaan ang kalusugan. Tiyakin dapat na maayos, malinis at sariwa ang mga isda at pagkain na bibilin. 


Comments

  1. Thank u..At least now alam q n po.

    ReplyDelete
  2. anu ba yan pati isda mamimili din. sobra mahal pa ng isda anu n lng uulamin natin asin n lng

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo ang hirap nman wla na mapili puro bawal nalng ano na kainin natin nito?

      Delete
  3. Basta ako kakain ako ng isda kysa Kakain ako ng baboy or paniki oh ano pa...

    ReplyDelete
  4. Sana I post din kung anong gulay ang hindi Rin pweding kaini.

    ReplyDelete
  5. sworfish,halibut has mercury too.

    ReplyDelete
  6. wag nalang kumain lahat na bawal

    ReplyDelete
  7. Damu gulay at saging na lang.
    Para makaiwas as mga kimikal

    ReplyDelete
  8. Kala ko basta isda ok.. Lahat na ata na pgkain ngayon my mga chemical

    ReplyDelete
  9. Naka post din dapat ang source or yung link ng info. Kasi parang may mai-post lang kahit hearsay or nakopya lang lalo na sa mga articles na galing ng US at Europe na wala ng ginawa kundi siraan ng siraan ang products na galing Asian countreis para produkto lang nila ang tangkilikin. Sa Japan at Korea nga espesyal ang Tuna...kinankain nila ng hilaw basta sariwa.

    ReplyDelete
  10. Isdang tanga n lanv ksinin ntin...grabe nkksawa nman pag puro bangus,

    ReplyDelete
  11. Pinapakain ko pa Naman ung 3 kong anak ng ganyang isda,pero ung bunso ko ayaw kumain ng ganyang isda Ang gusto niya bangus Lang,nakakabuti po ba iyon? At at least Alam ko na d pala pwede iyan at nakakasama kainin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo po Ito lahat kcKung na kita nyo po angbtilapya masagnavsa mantiika kaya info cya good kainin

      Delete
  12. May nabasa all doktor Ang nagsabe ,tilapya, gg ,bangus ok dw sa body at health natin dahil sa omega 3 na contain nito,tas dto sasabehin hinde pwde ,ano ba tlga Ang dapat paniwalaan, nalilito na ako ah!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...