Ang pag-utot ay normal. Hindi lang ito nagiging normal kapag nagdudulot na ito ng hindi komportableng pakiramdam sa isang tao. Ang utot ay ang hangin na nabubuo sa loob ng katawan dahil sa mabilis na paglunok ng pagkain at maging ang uri ng pagkaing iyong kinakain.
Nagiging nakakahiya lamang ito kapag ito ay may kasamang malakas na tunog at may mabahong amoy. Kaya kung gusto mong maiwasan ng mautot ng mautot ay narito ang listahan ng mga pagkaing hindi mo dapat kainin.
1. Cauliflower, broccoli, kamote at repolyo
Ang mga gulay na ito ay mayaman sa fiber, na hindi natutunaw ng katawan kaya naman umabot ang mga ito sa ating malaking bituka ng buo. Samantala, karamihan sa mga bakterya sa GI tract ay matatagpuan sa malaking bituka. Ginagamit nila ang fiber na ito bilang enerhiya at ang utot ang nagsisilbing byproduct.
2. Cheese, gatas, at iba pang dairy products
Ang mga produktong dairy ay nagtataglay ng sangkap na lactose. Sa mga taong may lactose intolerance, hindi natutunaw ito sa kanilang katawan dahil nagkukulangan sila ng enzyme na lactase. Maaaring ito ay mauwi sa pagtat*e, stomach bloating, at pag-utot.
3. Beans
Ang mga pagkain tulad ng beans at mani ay mayaman sa fiber. Kapag tinunaw ito ng bakterya sa ating bituka ay nagreresulta sa iba't ibang uri ng gas tulad ng hydrogen, sulfur, at methane. At ang sulfur ang gas na responsable sa pagkakaroon ng mabahong amoy ng utot.
4. Oats at whole wheat bread
Masustansya man ang mga pagkaing ito, ngunit ang whole grains ay nakakapagdulot ng sobrang hangin sa ating tiyan. Upang maiwasan ang labis na pagutot habang kinakain ang mga pagkaing ito, bagalan lamang ang pagkain nito at siguraduhing uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang sobrang formation ng gas sa tiyan.
5. Carbonated drinks
Ang mga inumin tulad ng softdrinks ay nakakapagdulot ng gas sa iyong tiyan dahil sa air bubbles na present sa mga ito. Nata-trap ang mga ito sa loob ng iyong tiyan kaya ang resulta ay paglalabas ng utot.
6. Bubble gum
Sa bawat pag-nguya ng bubble gum ay nakakalunok din tayo ng hangin. Kaya mapapansin na akala mo ikaw ay busog, ngunit ang laman lamang ng iyong tiyan ay hanging. Kaya asahan na ikaw ay magpapalabas ng utot.
Comments
Post a Comment