Fun fact! “May kaugnayan ba ang ‘lemon’ sa ‘lemon grass’?”
Sagot: WALA
Ang Lemon ay lumalaki mga puno. Samantala, ang lemon grass naman ay isang uri ng damo. Ang mga ito ay hindi magkaugnay, ngunit pareho silang naglalaman ng ‘citral’, na matatagpuan din sa iba pang mga halaman na tila lemon-y tulad ng lemon verbena at lemon teatree na nagbibigay sa kanila ng ng kanilang magtulad na bango.
Tungkol nga naman sa halimuyak, ito ang kilalang katangian ng ng lemon grass o tanglad. Karaniwang naaamoy, natitikman at nakikita natin ito sa mga hardin at sa mga putaheng inilalapag sa lamesa.
Ang tanglad ay nakapagpapasarap ng mga pagkainat inumin at nagkapagpapaganda ng mood dahil sa taglay nitong bango. Higit pa riyan, nakapagbibigay rin ito ng mga sustansya sa ating katawan.
Narito ang mga benepisyo para sa atin na naibibigay ng lemon grass:
1. Puno ng Antioxidants
Ang tanglad ay maraming mga antioxidant na tumutulong sa pagdetox at paglilinis sa iyo “from within”. Nakakatulong ito sa pag-alis ng mga toxin mula sa katawan. Dahil rito, naiiwasang magkaroon ang iyong pangangatawan ng mga sakit tulad ng c****r.
2. Nagpapabilis ng Metabolismo
Tumutulong ang tanglad sa pagpapababa ng timbang at sa pagpapalakas ng iyong metabolism habang tinutunaw nang mas mabilis ang mga calories sa katawan.
3. Nagpapagaling ng Sipon at Flu
Ang lemongrass ay may mga katangian ng antibacterial at anti-fungal na tumutulong sa pagpapahilom ng ubo at trangkaso. Ito ay puno ng Vitamin C na nagpapalakas sa resistensya.
4. Pinapaginhawa sakit sa Puson
Ang tanglad ay itinuturing na mahusay para sa kalusugan ng kababaihan. Nagbibigay ito ng lunas tuwing buwanang dalaw dahil sa nakapagpapaginhawang epekto nito sa puson.
5. Ginagamot ang Arthritis
Ang citral sa lemon grass ay maaaring makatulong sa pagbawas ng sak!t habang pinapaginhawa nito ang pamamaga. Ang halaman na ito ay may anti-inflammatory at analgesic properties na malaking tulong sa pagpapagaling ng mga kondisyon tulad ng gout, sakit sa buto, rayuma, magkasanib na problema, at oste0arthritis.
6. Nagpapaganda ng natural na buhok at balat
Ang tanglad ay isang mahusay na pinagmumulan ng mga bitaminang A at C na mahahalaga para sa magandang balat at buhok. Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, pinapalago nito iyong balat at pinapaganda ang iyong buhok.
Comments
Post a Comment