Isa sa mga karaniwang kondisyon na maririnig sa karamihan ng tao ay ang dyabetis. Ito ay isang uri ng karamdaman na kung saan ang katawan ay hindi nagkakaroon ng sapat na produksyon ng insulin. Ang insulin, ay napakahalaga upang makapagdeliver ng glucose (sugar) sa ating mga selyula. At ang glucose na ito ay ginagamit rin para sa enerhiya.
Napakaraming maaaring pagmulan ng dyabetis. Maaaring ito ay namamana (nasa lahi), pagiging obese o overweight, sa uri ng lifestyle, sa choice ng pagkain, at napakarami pang iba. Ngunit kung nasa dugo o lahi niyo na ang pagiging diabetic, narito na lamang ang maaari mong gawin upang hindi lumala ang iyong kondisyon.
1. Magkaroon ng regular na Blood glucose screening
Mayroong mga tests sa mga ospital upang ma-check ang iyong blood glucose. Dito makikita kung ikaw ay mayroong mataas na sugar at kung ikaw ay may mataas na tiyansang magkaroon ng dyabetis. Ang mga taong overweight, may edad, at may lahing pagiging diabetic ay dapat na regular na magpasuri.
2. Pagpapanatili ng tamang timbang
Isa sa mga risk factors ng dyabetis ay ang pagiging obese at overweight. Upang maiwasang lumala ang kondisyon, ay dapat na panatilihin ang tamang timbang. Magehersisyo at magsagawa ng diet plan upang bumalik sa tama ang iyong timbang.
3. Sumunod sa malusog at balanseng diyeta
Ang healthy eating ay nagsisimula sa pagkain ng mga masustansyang pagkain. Ito rin ang makakatulong sayo upang makaiwas sa paglala ng dyabetis. Umiwas sa mga matatamis, prinoseso, at maaalat na pagkain ganoon din ang puting kanin.
4. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber
Ang fiber ay nakakatulong upang mapabilis ang iyong pagkabusog upang hindi ka mapakain ng madami at unhealthy na pagkain. Nakakatulong din itong kontrolin ang iyong blo0d sugar sa pamamagitan ng pagpapabagal ng digestion ng carbohydrates sa katawan at pinapapababa ang cholesterol level.
5. Maging aktibo
Ang pagkakaroon ng regular na physical activity at ehersisyo ay importante upang maiwasan ang tiyansa sa pagkakaroon ng dyabetis. Nirerekomenda ng mga health experts na kahit ikaw ay may tiyansang magkaroon ng dyabetis ay dapat na magsagawa ng 30 minute exercise araw-araw. Maaaring ito ay simpleng paglalakad, yoga, biking, o swimming.
6. Bawasan ang stress
Pinaniniwalaan na ang stress ay nakakaapekto sa ating blo0d sugar. Ang mga taong nakakaranas ng stress ay maaaring makalimutan ang kanilang healthy eating habits at exercise. Mayroon ding mga ebidensya na ang stress ay nakakapagpataas ng blo0d sugar levels. Kaya makakabuti na bawasan ang stress upang makaiwas sa dyabetis.
Comments
Post a Comment