Noong bata pa tayo ay kadalasang sinasabi ng mga matatanda na kumain ng kalabasa dahil nakakalinaw ng mata. Kung tutuosin, ito nga ay isang napaka-healthy na pagkain dahil naglalaman ito ng organic compounds, nutrisyon, bitamina, at mineral.
Narito at alamin ang mga nakakamanghang health benefits na naibibigay ng pagkain ng bunga ng kalabasa!
1. Pampalakas ng immunity at resistensya
Ang kalabasa ay may taglay na vitamin C, magnesium, at iba pang antioxidants na nakakatulong upang tanggalin ang mga free radicals sa katawan. Ang iba pang bitaminang taglay nito ay nakakatulong upang madepensahan ang ating katawan laban sa mga sak!t.
2. Pinapaganda ang ating paningin
Ang single serving ng kalabasa ay nagtataglay ng mahigit 400% ng daily requirement ng vitamin A. Ang beta- car0tene na taglay nito ang siyang nakakatulong upang magpalinaw ng paningin at maiwasan maagang paglabo ng mata. Kaya ito rin ay magandang pagkain para sa mga sanggol.
3. Nireregulate ang sirkulasyon ng dugo
Ang kalabasa ay mayroong mataas na lebel ng iron at copper na esensyal na sangkap ng dugo. Kaya kung palagi kang kumakain nito ay mababawasan ang tiyansa mong magkaroon ng anemia at mas mapapaganda pa ang sirkulasyon ng dugo sa iyong sistema.
4. Pinoprotektahan ang kalusugan ng puso
Ang magnesium at potassium na taglay ng kalabasa ay isang napaka-epektibong pangdepensa laban sa mga sak!t sa puso. Ang potassium ay nagsisilbing pampaluwag ng mga ugat upang maiwasan ang tensyon sa mga ito at upang mag umayos ang daloy ng dugo. Ang fiber din na taglay nito ay nakakatulong upang alisin ang excess cholesterol sa mga arteries.
5. Maganda para sa pinagbubuntis na sanggol
Ito ay nagtataglay ng folate, isang esensyal na bitamina na kailangan ng mga buntis upang hindi magkaroon ng neural tube defects ang kanilang dinadalang sanggol. Nakakatulong ito sa development ng sanggol sa sinapupunan.
6. Pampalakas ng mga buto
Ang matataas na level ng esensyal na bitaminang matatagpuan sa kalabasa ay may napaka-importantent bahagi sa pagpapatibay at pagpapalakas ng mga buto. Ang zinc, calcium, at manganese ay nakakatulong upang bawasan ang pagkakaroon ng oste0porosis habang tumatanda.
Comments
Post a Comment