Karamihan sa mga lalaki sa buong mundo anuman ang kultura, kulay, lahi, nasyonalidad at relihiyon ay nakakaranas ng hindi inaasahang pagkalagas o pagkakalbo ng buhok kahit sila ay bata pa. Maswerte ang mga kalalakihan na kahit may edad na ay malabong pa rin ang kanilang mga buhok.
Ngunit karamihan sa mga kalalakihan ay nakakaranas ng problema sa pagkakalbo sa sa edad na 40, 50, at minsan pa ay mas maaga. Alamin ang dahilan ng iyong pagkakalbo at narito ang mga remedyo at paraan na maaaring makatulong upang mapigilan ang pagkakalbo at pagnipis ng iyong buhok.
Mga bagay na nakakapagdulot ng pagkakalbo sa mga lalaki
- Male pattern baldness / namamana
- Epekto ng gamot o chem0therapy
- Kakulangan sa nutrisyon
- Hindi balanseng horm0nes
- Kakulangan ng sirkulasyon sa iyong anit
- Stress
Mga remedyo at paraan upang mapigilan ang pagkakalbo
1. Scalp Massage
Ang regular na pagmasahe sa iyong ulo at anit ay nakakatulong upang ma-istimulate ang pagtubo ng buhok. Isa sa mga rason ng pagkakalbo ay dahil sa kakulangan ng sirkulasyon sa iyong ulo na siyang pumipigil sa pagtubo ng iyong buhok. Ang tamang sirkulasyon ng dugo sa iyong anit ay nakakatulong upang magkaroon ng oxygen sa iyong mga hair follicles at upang ang mga ito ay magpatubo ng bagong buhok.
2. Gata ng niyog o coconut milk
Ang gata ng niyog o coconut milk ay mayaman sa nutrisyon at bitamina na esensyal sa pagtubo ng buhok. Nakakatulong din ito upang mapanatiling healthy ang iyong hair follicles at manatili ang iyong mga natitirang buhok. Maaaring iapply ang gata ng niyog o langis ng niyog direkta sa iyong anit.
3. Itlog
Ang itlog ay mayaman sa protina na nakakatulong magpakapal at magpatibay ng buhok. Batihin ang 1-2 itlog hanggang maging itong parang paste. Ipahid ito sa iyong anit at buhok at iwanan ng ilang minuto bago banlawan. Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng protina na kailangan ng iyong buhok.
4. Suka
Ang suka tulad ng apple cider vinegar ay mayroon napakaraming benepisyal na nutrisyon. Isa na dito ang mga enzymes na nakakatulong sa pagtubo ng buhok at pangiwas sa balakubak. Ang dandruff o balakubak ay nakakapagbara sa mga pores ng ating anit na nakakapagpigil sa pagtubo ng buhok. At ang paghugas ng ulo gamit ang suka ay makakatulong upang matanggal ang mga balakubak.
5. Pagconsumo ng pagkaing mayaman sa biotin
Ang biotin ay isang uri ng bitamina na esenyal sa pagtubo ng buhok. Ang mga pagkaing mayaman sa biotin ay tulad ng nuts, brown rice, pula ng itlog, avocado, kamote, at dairy products.
6. Bawasan ang stress
Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pagkakalbo ay dahil sa dinaranas na stress ng katawan. Kaya magkaroon ng oras para magpahinga at magde-stress. Hindi lang ito makakatulong sa iyong pagkakalbo kundi sa iyong buong katawan.
Comments
Post a Comment