Malamang marami na ang nakapagsabi na mas magandang uminom ng warm water kaysa sa malamig na tubig. Sa katunayan, ang practice na ito ay ginagawa na noon sa ancient Chinese medicine. Pinaniniwalaan na ang temperatura ng tubig ay dapat kaparehas ng temperatura ng katawan. Kung ang temperatura ng tubig ay mas mataas o mas mababa sa temperatura ng katawan, ito raw ay nakakagambala sa balanse ng energy.
Bukod sa paniniwalang ito, narito ang mga importanteng rason at mga pagpapatunay na mas magandang uminom na lamang ng maligamgam na tubig.
4. Nakakapagpakalma
1. Nakakapagpabagal sa pagtanda
Walang gustong agad na magmukhang matanda, ngunit ang mga toxins sa katawan ang dahilan ng maagang pagtanda. Sa katunayan, ang maligamgam na tubig ay nakakatulong sa paglilinis ng kidneys at atay at nakakapagpabilis ng metabolismo.
2. Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang
Dahil ito ay may kakayahang magpabilis ng metabolismo, ito ay mabisa sa pagsunog ng sobrang calories sa katawan na makakatulong sa pagbabawas ng timbang at taba. Maaari ring magdagdag ng lemon juice sa tubig para sa mas mabilis na epekto.
3. Binabawasan ang pagiging sak!tin
Kung ikaw ay madalas na sipunin o ubuhin, dapat ay iwasan na ang paginom ng malamig na tubig. Mas maganda sa lalamunan ang maligamgam na tubig lalo na kapag ikaw ay mayroong ubo o sore throat. Mas epektibo ito kung lalagyan ng kaunting kalamansi at honey.
4. Nakakapagpakalma
Ang warm water ay nakakatulong upang pakalmahin ang mga tensed muscles sa katawan. Nakakatulong ito upang mabawasan ang pananak!t ng katawan tulad ng pagsak!t ng ulo at cramps.
5. Nakakapagpaganda ng digestion
Isinasaayos nito ang tamang pagtunaw ng pagkain sa ating tiyan. Ang malamig na tubig ay nagdudulot ng pagbubuo-buo ng mga pagkain sa tiyan, samantalang ang maligamgam na tubig ay kasalungat nito. Nakakatulong itong malabanan ang konstipasyon
6. Pampagising sa umaga
Ang Japanese practice na pag-inom ng 2 basong maligamgam na tubig pagkagising sa umaga ay totoong benepisyal sa katawan. Nakakatulong itong maimprove ang balat, nakakapagpabilis ng metabolismo, nakakadagdag ng energy, at nakakatulong ma-set ang iyong mood para sa magandang gising sa umaga.
Tama pla yong narirnig ko hindi mgnda s ktwan cold water
ReplyDeletemaganda tlga sa ktwan ang maligamgam na tubig
ReplyDelete