Skip to main content

7 Paraan Upang Mailabas Ang Mga Harmful Toxins Sa Katawan Para Mapanatili Itong Healthy

Ang ating katawan ay na-eexpose araw araw sa napakaraming harmful toxins at free radicals sa paligid. Kung di tayo nag-iingat ay ang mga ito ang maaaring magdulot ng pagkakaroon ng iba't ibang karamdaman at sak!t. 

Bukod sa paglilinis sa ating panlabas na katawan ay marapat ding linisin ang loob nito. Ang ang paraang ito ay tinatawag na detoxification. Napakaraming simple at madaling paraan upang malinisan ang loob ng katawan upang matanggal ang mga toxins, narito at alamin ang mga ito!

1. Uminom ng maraming tubig

Ang tubig ay isang natural at napakadaling paraan upang malinisaan ang loob ng iyong katawan laban sa mga masasamang toxins. Kung mas madami ang iyong iniinom na tubig, mas mainam na nailalabas ang mga toxins sa katawan.

2. Umiwas sa artipisyal o refine sugars

Ang mga artipisyal na pampatamis ay nakakapagpigil sa natural na metabolismo at nakakadagdag ng glucose sa dugo. Kaya naman ang resulta nito ay ang biglaang pagdagdag ng timbang at maaaring mauwi sa pagkakaroong ng dyabetis at mga sak!t sa puso. Mas mainam na gawing pampatamis na lamang ang brown sugar o honey.

3. Kumain ng organic na pagkain

Ang mga gulay, prutas, at karneng organic ay walang taglay na toxins tulad ng mga gamot at pest!cidies. Ang pagkain ng organic ay nakakatulong sa iyong digestive system na mag-function ng mas maganda. Ang mga prosesong pagkain ay hindi matutumbasan ang mga nutrisyong naibibigay ng mga organic na pagkain.

4. I-purify ang hangin laban sa mga toxins

Ang mga toxins at iba pang toxic substances ay maaaring makapasok sa inyong bahay sa mga nakabukas na binta at sa mga sapatos na ipinapasok sa loob ng bahay. Ang paglilinis ng hangin sa pamamagitan ng paggamit ng air purifier ay makakatulong upang maalis ang mga alikabok at toxins sa hangin sa inyong bahay. Makakatulong din ang paglalampaso ng basang mop o basahan sa inyong mga sahig.

5. Uminom ng green tea imbes na kape

Ang kape lalo na kung ito ay unfiltered ay nagtataglay ng cafestol, isang molecule na nakakapagpataas ng kolesterol. Upang makaiwas sa cholesterol build-up, imbes na kape ang inumin sa umaga ay green tea na lamang.

6. Mag-ehersisyo o pumunta sa sauna

Ang pagpapawis ay nakakatulong upang natural na mailabas ang mga toxins sa katawan. Ayon nga sa kasabihan, "the more you sweat, the cleaner you become." Ang pagsa-sauna ay maganda ring paraan upang makapagpapawis.

7. Kumain ng probiotics

Ang pagkonsumo ng pagkain o inuming may probiotics ay maganda para tiyan at bituka. Isang magandang halimbawa nito ay ang plain yogurt. Maaari itong kainin isang beses araw-araw.

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...

Masakit na Puson Kahit Walang Period? Narito ang Ilang Posibleng Dahilan Niyan

Ang pananakit ng puson at balakang ay normal lamang sa tuwing darating o kasalukuyang may buwanang dalaw. Karaniwan na itong nararanasan ng mga kababaihan. Ngunit paminsan-minsan may mga pagkakataon na nakararanas ng pananakit at pagkirot ng puson kahit na hindi pa panahon ng pagdating ng kanilang buwanang dalaw. Ano nga ba ang posibleng rason? Narito ang mga posibleng kadahilanan: 1. Inflammatory bowel disease Ito ay isang karamdaman na nauugnay sa malalang implamasyon ng sistemang panunaw. Pinaniniwalaan na sanhi ito na may kaugnayan sa pagdiyeta at lebel ng stress. At ang sintomas nito ay maaaring banayad lamang o di kaya hanggang sa umabot ito sa malubhang karamdaman. Maihahalintulad rin ito sa karamdamang Crohn's at ulcerative colitis. Gayunpaman, sa halos lahat ng oras ay maaaring magdusa ang isang tao sa pamamagitan ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pagkirot. 2. Maaring bukol sa obaryo Ang bukol sa obaryo ay isang sac sa l...