May mga tao talagang mahilig sa kape. Hindi nila ito maiwasan dahil talaga namang napakasarap nito maamoy mo pa lamang ang aroma. Mayroong magkakape sa umaga, sa tanghali pagkatapos kumain, sa meryenda, at maging pati gabi.
Ang kape ay maganda sa katawan ngunit ang sobra sobrang pag-inom nito ay mayroon ding palang side effects sa kalusugan. Narito at alamin ang mga epekto ng sobrang paginom ng kape o caffeine.
1. Mabilis na pagtibok ng puso o rapid heart rate
Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na ginagawang alerto ang iyong utak. Pinapataas nito ang iyong heart rate kaya naman kapag nasobrahan ka nito ay mabilis at malakas ang tibok ng iyong puso at pulso.
2. Anxiety o pagkabalisa
Ang paginom ng kape ay nakakagising at nakakapagpaalerto sa katawan ng tao. Ngunit ang pag-inom nito ng maramihan ay nakakapagpataas lamang sa stress levels ng katawan. Ayon sa mga reports, ang pag-inom ng maraming dose ng caffeine ay nauuwi sa pagiging nerbyoso at pagkabalisa.
3. Insomia
Isa sa mga nakakamanghang benepisyo ng kape ay dahil sa kakayahan nitong gawin kang alert at gising. Ngunit ang sobra sobrang paginom nito ay nagdudulot ng kahirapan sa pagtulog o insomnia. Kaya naman kung gusto mong makatulog agad ay iwasan din ang paginom ng kape sa gabi o bago matulog.
4. Madalas kang mapapaihi
Ang kape ay isang diuretic o pampaihi dahil pinapataas nito ang blood flow sa iyong mga kidneys na nagreresulta sa pagdami ng produksyon ng ihi Kaya naman kung nakarami ka nito ay mas madalas ang pagpunta mo sa comfort room upang umihi.
5. Problema sa tiyan at pagtunaw
Ang ibang tao kaya umiinom ng kape sa umaga ay dahil mas napapadali nito ang pagdumi. Ito ay nagsisilbing laxative sa pamamagitan ng pagtaas ng contractions sa tiyan at bituka. Ngunit kapag sumobra ito, maaaring magdulot ito ng loose stools o diarrhea.
6. High blood pressure
Dahil sa kakayahan nitong pabilisin ang tibok ng puso, ang paginom ng maraming dose ng kape ay maaaring magdulot din ng pagtaas ng presyon o high blood pressure. Maaaring ang epekto nito ay panandalian lamang, ngunit hindi ito maganda sa mga may history na ng high blood. Kaya makakabuting imonitor ang paginom ng kape.
7. Ulser sa tiyan
Ang caffeine ay may kakayahang pabilisin ang pagtunaw o gastric emptying na maaaring magresulta sa pagiging acidic ng mga stomach contents na dumadaan patungo sa iyong mga bituka na pwedeng makapagdulot ng injury o ulser sa mga ito.
Comments
Post a Comment