Isa sa mga kilalang finger foods ay ang mani o peanut. Patok din itong pampulutan o kaya naman ay ginagawang pagkaing pang-meryenda. Huwag itong ismolin, dahil kahit gaano pa ito kaliit ay nakakabusog naman ito sa tiyan at bukod doon ay may mabuti pa itong naidudulot sa katawan.
Tandaan lamang na mas healthy itong kainin kapag nilaga kaysa sa prito dahil wala itong halong asin. Narito ang mga mabuting naidudulot ng mani sa ating katawan.
1. Maganda para sa puso
Nakakatulong itong pababain ang bad cholesterol sa katawan habang pinpataas ang good cholesterol. Mayroon itong mono-unsaturated fatty acids partikular ang oleic acid na nakakatulong pangalagaan ang puso.
2. Nagbibigay ng enerhiya
Gaya nga ng nasabi, maliit man ang mga ito ay mayaman naman sa bitamina, mineral, at nutrisyon na mapagkukuhanan ng enerhiya.
3. Binabawasan ang tiyansa sa stroke
Dahil ito ay mabuti sa puso, nakakatulong din itong bawasan ang tiyansa sa stroke. Mayroon itong antioxidant na resveratrol na pinapataas ang produksyon ng nitric oxide upang maiwasan ang stroke.
4. Nakakapagpabuti sa memorya
Ang mani ay tinatawag na "food for the brain" dahil may sangkap itong vitamin B3 na pinapanatiling aktibo ang ating utak at pinapatalas ang memorya.
5. Pinoprotektahan ang balat
Ang mani ay may taglay din na vitamin E na nakakatulong upang ma-maintain ang kalusugan ng cells ng ating balat. Pinoprotektahan nito ang katawan laban sa mga free radicals na nakaka-damage ng katawan.
6. Maiwasan ang pagkakaroon ng bato sa apdo o gallstones
Ang madalas na pagkain ng mani ay nakakapagpababa ng tiyansang ma-develop ang bato sa apdo o gallstones.
7. Pampabawas ng timbang
Alalahanin na kung gustong magbawas ng timbang ay mabuti kung ang kakainin na mani ay walang halong asin at kung sa peanut butter naman ay walang halong asukal. Mabuti itong pampabawas ng timbang dahil mayaman ito sa fiber at protina na nakakapagpanatiling busog sa iyong tiyan. Ang "fats" na matatagpuan sa mga mani ay good fats na nakakatulong sa taste satistfaction.
8. Nire-regulate ang blo0d sugar
Ang manganese sa mani ay nakakatulong sa absorption ng calcium, fats at carbohydrates metabolism at nireregulate nito ang blo0d sugar levels.
Laya pala masarap ang mani...
ReplyDelete