Hindi lahat ay may oras na pumunta ng gym upang mag-threadmill at mag work-out upang mapanatiling fit ang katawan. Ang mga simple at madaling exercise tulad ng aerobics, biking, at walking ay nakakatulong rin sa pagbabawas ng excess weight.
Ang walking ay isang napakasimpleng exercise na maaaring gawin kahit ano mang oras. Ngunit ang nakakalungkot lang ay minsan ay ginagawa pang katamaran ang paglalakad. Halimbawa, imbes na maglakad na lang sa malapit na pupuntahan ay mag-sasakyan pa, o di kaya ay gagamit pa ng elevator o escalator kung aakyat sa susunod na floor ng gusali.
Kaya naman alamin kung ano nga ba ang naidudulot ng 15-30 minutong walking araw-araw sa iyong kalusugan!
1. Nagdudulot ng positibong pagbabago sa iyong utak
Nakakatulong ang walking upang maimprove ang iyong mood, pinapataas ang iyong energy, at binabawasan ang stress. Maaari namang ma-enjoy ang exercise na ito, halimbawa ay maglakad kasamang ang iyong kaibigan. Nag-enjoy ka na, nakapagehersisyo ka pa.
2. Nakakasunog ng calories at pampapayat
Hindi ba't gawain ng karamihan na pagkatapos kumain ay maglalakad-lakad upang matagtag ang kinain. Nakakatulong nga ang walking upang ma-burn ang mga calories ng katawan lalo na kung gusto mong magpapayat.
3. Nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng heart dise*ses
Ayon sa mga pag-aaral, ang simpleng paglalakad ay nakakapagpabawas sa tiyansa ng pagkakaroon ng mga sak!t sa puso tulad ng high blood, heart attack, at str0ke.
4. Pinapaganda ang iyong binti
Nakakatulong ang walking upang ma-tone ang iyong muscles sa iyong mga binti at hita. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang pakakaroon ng varicose veins sa paa.
5. Pinapatibay ang tuhod
Upang maiwasan ang pagiging stiff ng mga muscles sa iyong tuhod, kailangan mo ang 15-30 minutong walking araw-araw. Ang regular na paglalakad ay nakakatulong sa pagpapatibay ng buto, joints, at ligaments.
6. Iniimprove ang digestion
Ang kakulangan sa exercise ay nakakapagdulot ng indigestion, bloating, at constipation. Sa kabilang banda, ang paglalakad ay makakatulong upang maiwasan ang mga problemang ito dahil isinasaayos nito ang tamang pagtunaw ng pagkain sa iyong tiyan.
7. Binabawasan ang stress
Ang walking ay nakakatulong upang mabawasan ang stress sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaganda ng sirkulasyon. Iniistimulate din nito ang ating utak upang bawasan ang produksyon ng stress hormones.
8. Pinapababa ang tiyansa sa dyabetis
Ang pagkakaroon ng sedentary lifestyle o pamumuhay na walang ehersisyo ay isang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng dyabetis. Ang araw-araw na paglalakad ay nakakatulong upang ma-kontrol ang blood sugar levels at maiwasan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.
Comments
Post a Comment