Ang kangkong ay isang gulay na madaling makita sa tabi-tabi. Kaya naman kadalasan din itong ipinangsasahog sa mga lutuin tulad ng sinigang.
Karaniwang sinasabi na dapat ay kumain tayo ng mga mabeberdeng gulay dahil maganda ito sa katawan. At isang magandang halimbawa ang kangkong sa mga gulay na ito dahil sa dami ng napakagandang benepisyong naibibigay nito sa katawan. Narito at alamin.
1. Pampababa ng lebel ng kolesterol
Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan ay dahil mataas ang iyong kolesterol. At hindi ito isang magandang senyales dahil ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay maaaring magdulot ng iba't ibang komplikasyon sa puso. Samantala, ang kangkong ay nakakatulong magpababa ng kolesterol sa katawan.
2. Pang-iwas sa kahirapan sa pagdumi
Isa sa mga dahilan ng pagkaranas ng kahirapan sa pagdumi o konstipasyon ay dahil sa kakulangan ng kinakaing fiber. Ang kangkong ay makakatulong upang mapadali ang paglalabas ng iyong dumi dahil mayaman ito sa fiber.
3. Pampaganda ng paningin
Hindi lamang ang mga dilaw na gulay ang nakakapagpalinaw ng paningin. Ang kangkong ay may ganito ring epekto sa katawan dahil ito ay nagtataglay ng mataas na content ng Vitamin A na nagpapanatili sa kalusugan ng paningin.
4. Anti-dyabetis
Mayroong mga pag-aaral na napatunayan na ang regular na pagkonsumo ng kangkong ay unti-unti ngnakakagawa ng resistance laban sa dyabetis. Tinatanggal nito ang sobrang sugar sa iyong dugo.
5. Nakakatulong sa problema sa atay
Ayon sa mga pagsusuri, ang kangkong ay mayroong chemical compounds na nagbibigay ng extrang proteksyon sa iyong atay sa pamamagitan ng pag-dedetoxify nito.
6. Panlaban sa anemia
Ang kailangan ng isang taong anemic ay iron. Ang kangkong ay magandang diyeta para sa mga taong may anemia dahil mayaman ito sa iron. Nakakatulong itong pataasin ang hemoglobin.
7. Pampatatag ng resistensya
Nagtataglay din ito ng Vitamin C na esensyal upang mapanatiling matatag ang iyong resistensya. Tinatanggal din nito ang mga toxins sa iyong katawan.
8. Pinapaganda ang kalusugan ng balat
Dahil nga mayroon itong kakayahan na tanggalin ang toxins sa katawan, ang resulta din nito ay malusog na balat. Ang vitamin C nito ay benepisyal para sa overall skin health. Mayroon din itong anti-ageing properties.
Comments
Post a Comment