Huwag Munang Itatapon Ang Mga Pinaggamitang Teabag (Tsaa) Dahil May 6 Nakakamanghang Gamit Pa Ito Sa Katawan!
Ang tea o tsaa ay itinuturing nang isang healthy drink sa mahabang panahon. Sa katunayan, ang mga medisinal na kakayahan nito ay alam na sa buong mundo.
Kadalasan pagkatapos nating inumin ang tsaa sa isinawsaw na teabag ay itinatapon na natin ito. Ngunit ito pala ay may pakinabang pa at maaari mo pa itong itago sa loob ng inyong ref upang magamit ulit sa ibang bagay. Narito at alamin ang mga nakakamanghang gamit pa nito!
1. Namamagang mata / puffy eyes
Kapag ikaw ay puyat o kulang sa tulog, ang resulta ng iyong mata pagkagising ay namamaga o may eyebags. Ilagay lamang ang teabag sa loob ng ref bago gamitin. Ang malamig na temperatura nito ay nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga ng mata.
2. Sunburn
Kapag ang balat ay nababad sa araw, kadalasan ito ay nagkakaroon ng sunburn at nagdudulot ito ng mahapding pakiramdam. Upang maibsan ito, hugasan ang apektadong balat ng pinalamig na pinaglagaan ng tsaa. Makailang ulit ay giginhawa ang pakiramdam sa iyong balat.
3. Acne at tigyawat
Ang mga tsaa tulad ng green tea at black tea ay mayroong bactericidal effect sa balat. Ibuhos lamang ang pinaggamitang tea sa isang palanggana at saka ito ipanghilamos sa mukha. Nakakatulong itong pagalingin ang mga pinagmulan ng acne.
4. Kagat ng insekto
Upang mawala ang pangangati na dulot ng kagat ng insekto, itapal lamang ang mabasa-basa pang teabag sa apektadong parte. Ang tannin na taglay ng teabag ay nakakatulong sa pagpapahupa ng pangangati.
5. Kumikirot na ngipin
Ang remedyong ito ay panandalian lamang ngunit kahit papaano ay makakatulong pa rin naman sayo upang maibsan ang pagsak!t ng iyong ngipin bago ka pumunta sa iyong dentista. Itapal lamang ang pinaggamitang teabag sa apektadong ngipin upang unti-unting mawala ang pagkirot.
6. Singaw sa bibig
Ilagay sa freezer ang pinaggamitang teabag. At kapag ito ay malamig na, itapal lamang ito sa inyong singaw o canker sore sa bibig. Ang malamig na temperatura at ang healing properties ng tsaa ay makakatulong upang gumaling ng mabilis ang iyong singaw.
Comments
Post a Comment