Ang langaw ay isa sa mga insektong karaniwang makikita mo sa mga maduduming lugar, minsan ay makikita din silang umaaligid sa mga bagay na hindi kaaya-aya ang amoy. Kalimitan din silang makikita sa kalsada at ang masaklap pa ay dumadapo ito sa iyong katawan nang hindi mo namamalayan.
Alam natin na hindi kaaya-aya kung may dadapong langaw sa ating pagkain. Bukod sa alam natin na hindi ito malinis ay kung saan-saan din ito nanggaling. Maaaring nanggaling ito sa dumi ng hayop, sa bausrahan, o di kaya ay sa iba pang lugar na karaniwang pugad ng mga langaw. Kung gaano kaliit ang mga insektong ito ay siya namang ikinalaki ng mga sakit na maaaring manggaling sa kanila.
Narito ang limang dahilan kung bakit masama sa kalusugan ang langaw:
1. Nagdadala ng nakakam^tay na pathogens
Nagdadala ang langaw ng nakamam^tay na pathogens na maaaring maisalin sa pagkain sa oras na dumapo dito. Ang mga pathogens na ito ay maaaring magdulot ng mga mapanganib na parasites sa katawan at nagdadala din ito ng mga sak!t gaya ng salmonella, parasite, viral inf*cti0n, at fungal inf*cti0n.
2. Maaaring magdala ito ng Feces o dumi ng mga hayop
Isa nga sa mga pugad ng mga langaw ay ang mga dumi ng hayop at kung minsan pa nga ay dumi ng tao. Kung dadapo ito sa iyong pagkain, malaki ang tyansa na madala din ang mga duming ito sa kakain mo. Isipin mo na lang kung gaano ito nakakadiri at kasama na din ang mga parasites na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan.
3. Nagdudulot ng pagkasira ng pagkain dahil sa amag
Kung minsan ay dumadapo din sila sa mga bagay na may amag, at kapag dumapo ito sa pagkain ay mas mapapabilis ang pagkasira nito dahil sa mga amag na nadala ng langaw. Imbis na humaba ang buhay ng pagkain ay mas napapabilis ang pagkasira nito dahil lamang sa maliit na insekto.
4. Maaaring magdulot ng live worms
Kung minsan ay nakakakita tayo ng mga maliliit na uod sa ating pagkain at ang langaw ang maaaring dahilan nito. Dahil nga galing na sa maduduming lugar at bagay ang mga insektong ito, maaaring nadala nila ang mga uod sa iyong pagkain. Kung hindi tayo maingat sa mga kinakain natin, lalo na kung nakabalandra ito sa kalsada, maaari masama ang kahihinatnan ng ating kalusugan.
5. Maaaring maiwan ang mga itlog ng langaw sa pagkain
Hindi natin laging nababantayan na dumadapo na ang mga langaw sa ating pagkain at sa oras na ito, maaaring may mga itlog na ng insekto sa pagkain. Ilang oras lamang ang kakailanganin upang mapisa ang mga itlog na ito. Hindi natin alam na ang mga pagkaing kakainin natin ay may itlog na ng langaw.
Maraming paraan upang maiwasan ang pagkalat ng langaw sa ating tahanan. Siguraduhin natin na laging malinis ang paligid at laging may takip ang mga pagkaing nakahin sa mesa, sa ganitong praan ay maiiwasan ang pagdapo ng mga insekto. Makakatulong din ang pag-spray ng insect!cides upang masiguro na hindi dadami at mamam^t^y ang mga insekto.
Ugaliin din ang pagtatapon ng basura upang hindi ito magsilbing pugad para sa mga langaw. Maging ang mga bulaklak o halaman na may mabangong amoy ay makakatulong sa paataboy ng mga insekto.
Health is Wealth, kaya naman huwag nating hayaan an gang maliit na insekto ang maging sanhi ng paghina ng ating kalusugan.
Comments
Post a Comment