Habang abala ka sa pag-aalaga sa iyong puso at kidneys, malamang ang isa sa mga organs na iyong napapabayaan ay ang iyong liver o atay na isa sa mga pinakaimportanteng parte ng iyong katawan. Sa katunayan, 20% ng dugo na nagmumula sa iyong puso ay pumupunta sa iyong atay.
Ang ating atay ang siyang naglilinis ng dugo sa ating katawan upang matanggal ang mga toxins. Ngunit mayroon tayong mga gawain o habits na hindi natin namamalayan ay nakakasira na pala sa ating atay. Alamin ang mga ito upang maiwasan na sa lalong madaling panahon.
1. Overeating at katabaan
Ang extra fat ay maaaring magbuild-up sa mga cells sa inyong liver at maaaring mauwi sa pagkakaroon ng fatty liver. Maaaring ang resulta nito ay ang pamamaga ng iyong atay. Tinataya na ang mga taong obese at overweight ay mataas ang tiyansang makakaranas nito. Kaya naman dapat ay mag-diet at exercise.
2. Hindi pagkakaroon ng sapat ng tulog
Ang sleep deprivation o ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakakapagdulot ng napakaraming health conditions at isa na rito ang negatibong epekto sa iyong atay. Kung ikaw ay nagkukulangan sa tulog, ang iyong atay ay hindi makapagproseso ng fat ng mabuti. Kaya ang resulta ay pagkakaroon ng fat build-up.
3. Labis na paggamit ng medikasyon
Ang mga gamot ay hindi basta basta dapat lang iniinom. Kinakailangan pa rin ang rekomendasyon ng iyong doktor. Hindi dahil epektibo sa iba ay pwede at safe mo na ring inumin. Iwasan din ang pag-inom ng maling dosage ng gamot. Dahil maaari itong makapagdulot ng liver damage.
4. Pag-inom ng al@k
Ang labis na pag-inom ng alcoh0l ay malaki ang epekto sa ating atay. Ito ay dahil nakafocus ang iyong atay sa pagconvert ng al@k upang maging less toxic ito. Ngunit kung sobra-sobra ang iyong iniinom, mahihirapan ang iyong atay sa paglilinis ng toxins sa iyong katawan at ang resulta ay maaari itong ma-overwork at magkaroon ng implamasyon.
5. Pagpigil o hindi pag-ihi sa umaga pagkagising
Sigurado alam niyo na ang pagpigil ng ihi ay masama sa katawan. Hindi lamang ang iyong kidneys ang naaapektuhan dito kung di pati rin ang iyong atay. Karamihan sa mga tao ay hindi umiihi pagkagising sa umaga, alam niyo ba na ito ay masama ito sa ating atay? Dahil hindi mo hinahayaan mailabas ang mga toxins sa katawan na nag-accumulate buong gabi habang ikaw ay natutulog.
Comments
Post a Comment