Ang ampalaya kahit na gaano man ito kapait ay patuloy pa rin na kinakain ng karamihan sa mga Pilipino. Dahil kahit na ganito man kapait ang lasa nito ay napakayaman naman nito sa bitamina at nutrisyon.
Bukod sa ginagawa itong ulam ay ginagamit din ito dahil sa medisinal na kakayahan nitong magpabuti ng mga karamdaman. Narito ang mga makahulugang benepisyong makukuha sa pagkain ng ampalaya!
1. Maganda para sa may dyabetis
Ang pag-inom ng katas ng ampalaya ay nakakatulong sa mga taong may type 2 diabetes dahil sa taglay nitong anti-diabetic properties na nakakatulong magpababa ng glucose levels ng dugo.
2. Pang-iwas sa kidney stones
Ang pagkakaroon ng bato sa iyong kidneys ay nakakapagdulot ng hindi napakagandang karamdaman. Ang pagkain ng ampalaya ay makakatulong upang maiwasan ang pagbuo ng mga kidney stones at binabawasan nito ang acid sa katawan.
3. Mabuti para sa puso
Ang ampalaya ay isang pagkaing nakakabuti sa ating puso sa napakaraming paraan. Una, nakakapagpabawas ito ng bad cholesterol levels sa katawan na nakakapagbara sa ating mga ugat at nagdudulot ng atake sa puso. Napatunayan na tumutulong din ito sa pag papababa ng blood sugar levels na nakakabuti para sa puso.
4. Acne at tigyawat
Ang pagkonsumo ng ampalaya juice na may kasamang lemon ay makakatulong upang mabawasan ang mga acne, tigyawat, at blemishes sa mukha. Ito ay dahil kaya nitong idetoxify ang katawan laban sa mga free-radicals na nakakapagdulot ng mga kondisyon sa balat.
5. Konstipasyon
Ang taglay nitong fiber ay nakakatulong para sa mas magandang digestion ng pagkain as para sa mas madaling paglalabas ng dumi sa katawan.
6. Para sa may mga hika, ubo, at sipon
Kung ikaw ay madalas na ubuhin o sipunin, dapat ay dalasan ang pagkain o paginom ng ampalaya dahil nakakatulong ito sa iyong kondisyon upang mapabuti.
7. Pampalakas ng resistensya
Ang paginom ng pinakuluang dahon ng ampalaya ay nakakatulong upang mapalakas ang iyong resistensya laban sa mga sak!t. Pinapapatatag nito ang iyong immune system.
Comments
Post a Comment