Ang patola ay isang karaniwang gulay na inihahain na may kasamang sabaw at misua. Kilala rin ito sa tawag na sponge gourd, ridge gourd o luffa sa ibang bansa. Sa katunayan, ito ay isang prutas na kinakain bilang isang gulay.
Upang ito ay makain o edible, kailangang iharvest ito habang bata pa. Kaya narito naman ang mga importanteng benepisyo kung bakit dapat kang kumain ng patola.
1. Panlaban sa dyabetis
Ang patola ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng dyabetis. Ito ay mayroong esensyal na tinataglay, ang manganese na nakakatulong sa pagpo-promote ng insulin secretion. Binabawasan din nito ang tiyansa sa pagkakaroon ng type 2 diabetes.
2. Nakakatulong sa mata at paningin
Ang patola ay nagtataglay ng maraming amount ng bitamina A na maganda para sa mata. Ang bitaminang ito ay isang essential vitamin na kailangan ng mata upang maging malusog at malinaw ang paningin.
Ang mga taong madalas na magkonsumo ng pagkaing mayaman sa bitamina A, C, E, zinc, at copper na tulad ng patola ay nakakabawas sa tiyansang magkaroon ng macular degeneration.
3. Nagpo-promote ng malusog na balat
Base sa mga research, ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C gaya ng patola ay benepisyal sa pagpapanatiling malusog ang balat. Nakakatulong itong maiwasan ang pagkakaroon ng mga wrinkles, dry skin at maagang pagtanda. Ito ay may importanteng papel an ginagampanan sa produksyon ng protein para sa balat.
4. Panlaban sa anemia
Ang patola ay isang magandang mapagkukunan ng bitamina B6. Ang bitaminang ito ay responsable sa produksyon ng hemoglobin sa dugo na nakakatulong upang ma-mobilize ang iron at makapagdala ng oxygen sa mga selyula sa katawan.
Ang gulay na ito ay nakakatulong sa mga taong anemic, isang kondisyon na nagkukulangan ng mga red bl0od cells sa katawan.
5. Pampabawas ng timbang
Sagana sa fiber, bitamina, at mineral ang patola. Ito ay mababa rin sa fats at calories kaya naman ito ay isang best solution para sa mga gustong magpapayat. Ito kasi ay napupuno ng water content kaya ang kaloryang makokonsumo dito ay napakababa lamang.
Bawal po pala xa sa mataas Ang dugo,ako kc at 130 over 90
ReplyDeletebawal Po ba ito sa highblood?
ReplyDeleteBawal po ba sa me acid reflux
ReplyDelete