Ang kalyo o callus ay ang parte ng balat na tumitigas at kumakapal dahil sa paulit-ulit na friction o pressure ng paa.
Kadalasan, ang mga kalyo ay lumilitaw sa paa dahil sa uri ng mga tsinelas o sapatos na ating sinusuot. Ngunit maaari rin itong lumitaw sa kamay o kahit saang parte ng katawan na nakakaranas ng friction.
Kung nais mong matanggal ang iyong mga kalyo, narito ang ilang epektibong paraan na maaari mong subukan:
1. Baking Soda
Ang baking soda ay isang natural exfoliant na epektibong pantanggal ng kalyo. Ang mga maliliit na crystal sa baking soda ay nakakatulong upang maexfoliate ang balat at mapalambot ang tumigas na parte.
Paano gagamitin:
Maghalo ng 3 kutsarang baking soda sa isang palanggana na may maligamgam na tubig. Ibabad ang paa sa loob ng 10 minuto. Hugasan ang paa at kiskisin ang mga kalyo gamit ang pumice stone.
2. Lemon Juice
Ang lemon juice ay isa sa mga mabisang remedyo na pantaggal ng kalyo sa paa. Ang citric acid nito ay mabisa sa pagpapalambot ng balat.
Paano gagamitin:
Magslice ng lemon. Ilagay ang hiniwang lemon sa parte ng paa na may kalyo. Itali ito gamit ang bandage o magsuot ng medyas. Iwanan buong gabi.
3. Epsom Salt
Ang epsom salt ay mabibili sa mga botika. Ito ang pinakamadaling paraan upang matanggal ang mga kalyo sa paa lalo na kung binabad ang paa sa maligamgam na tubig na may epson salt. Nakakatulong itong palambutin ang kalyo upang ito ay mas madaling matanggal at upang maiwasan ang imp*ksyon.
Paano gagamitin:
Sa isang palangganang maligamgam na tubig, magdagdag ng isang dakot na epsom salt. Ihalo ng mabuti. Ibabad ang paa sa loob ng 10 minuto. Gamit ang pumice stone, iscrub ang kalyo. Patuyuin at lagyan ng lotion.
4. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay napakagandang remedyo sa anu mang problema sa balat. Ito ay dahil may natural na antibacterial at antifungal na properties. Mabisa rin itong magpalambot ng balat dahil sa acidic nature nito. Nakakatulong din ito sa pagpapabilis healing process.
Paano gagamitin:
Magbabad ng cotton ball sa apple cider vinegar. I-tape ito sa inyong kalyo bago matulog. Iwanan ng buong gabi. Sa umaga ay iexfoliate ang balat gamit ang pumice stone. Mag-apply ng coconut oil o olive oil pagkatapos. Maaari itong gawin araw-araw hanggang ang kalyo ay mawala.
5. Warm water at pumice stone
Ang warm water o maligamgam na tubig ay nakakatulong upang ma-maintain ang kalusugan ng paa. Ito ang pinaka-safe na paraan upang matanggal ang mga kalyo dahil wala itong halo na kahit ano.
Paano gagamitin:
Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig sa loob ng 15 minuto. Ang tubig ay makakatulong upang palambutin ang mga nanigas na kalyo. Matapos lumambot ang balat ay pwede na itong kiskisin gamit ang pumice stone.
Comments
Post a Comment