Ang chicken pox o bulutong ay isang karaniwang kondisyon na dulot ng varicella zoster virus. Ito ay nakakahawa at karaniwan sa mga bata ngunit maaari rin magkaroon ang mga matatanda.
Ang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mga pulang rashes, blisters sa balat partikular sa mukha, braso, dibdib at maaaring kumalat sa buong katawan, pananak!t ng mga kasu-kasuan at paglagnat. Ang kondisyong ito ay maaaring tumagal hanggang 1-2 weeks.
Kapag pagaling na ito ay magkakaroon ng crust ang mga blisters at maaaring magiwan ng maitim na peklat sa iyong balat na kung maaari ay ayaw mong mangyari. Kaya narito ang mga natural na remedyo upang mabawasan ang peklat na dulot ng bulutong.
1. Aloe Vera
Ang gel na makukuha sa dahon ng aloe vera ay isa sa mga pinakamabisang remedyo na pantanggal ng mga itim na peklat sa balat na dulot ng bulutong. Ito kasi ay mayroong regenerative, whitening properties at kayang palambutin ang iyong balat.
Iapply lamang ang gel sa mga peklat ng bulutong.
2. Honey
Ang honey ay napatunayan na mayroong antibacterial at antifungal properties. Makakatulong ito sa mabilis na paghilom ng mga sugat at mas epektibo ito sa mga bagong litaw na peklat.
3. Cocoa butter
Ang cocoa butter ay isang cream-colored vegetable fat na nagmula sa cocoa bean. Ito ay mayroong smooth texture at madaling matunaw kapag ito ay pinahid sa balat. Maganda rin itong gamitin bilang moisturizer para maiwasan ang pag-dry ng balat. Nagtataylay ito ng antioxidants na nakakatulong sa pag-moisturize ng skin at bawasan ang appearance ng scars.
4. Rosehip oil
Ang rosehip oil ay nakakatulong maimprove ang apperance ng balat sa pamamagitan ng pagbawas sa discoloration at pamumula ng balat.
5. Oats
Ang oats ay nakakatulong sa pagpapabilis ng paghilom ng sugat na dulot ng bulutong. Gumawa ng paste gamit ang oats at tubig. Ipahid ito sa mga apektadong bahagi. Ito ay mayroong soothing, exfoliating at cooling effect sa balat.
Comments
Post a Comment