Ang goiter ay ang abnormal na paglaki ng iyong thyroid gland, ito ay ang hugis paru-paro na gland na matatagpuan na ka-lebel ng iyong lalamunan. Isa sa mga sintomas nito ay ang pamamaga na kaya maging ang leeg ay lumalaki. Maaari rin itong magdulot ng kahirapan sa paghinga, paglunok, at pagsikip ng lalamunan.
Ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng goiter ay ang kakulangan ng iodine sa diyeta o ang abnormal na produksyon ng mga hormones. Upang makaiwas sa goiter, narito ang mga paraan at tips na maaari mong subukan.
1. Seaweeds o lato
Ang mga seaweeds o mas kilala sa tawag na lato sa tagalog ay napakagandang kainin upang makaiwas sa goiter. Ang mga ito ay matatagpuan sa ilalim ng karagatan at nagtataglay ng iodine, calcium, potassium at magnesium. Maaaring kaining ito bilang salad na may halong kamatis at sibuyas.
2. Apple Cider Vinegar
Tunay na nakakamangha ang medisinal na kakayahan ng apple cider vinegar. Isa na rito ang kakayahan nitong makapagpaiwas sa goiter. Ito kasi ay mildly acidic at nakakapagbalik sa normal pH balance ng katawan. Mabisa itong pang-detoxifyat nakakatulong sa mabuting absorpsyon ng iodine sa katawan.
Maaaring itong inumin sa pamamagitan ng paghalo ng 1 kutsarita ng apple cider vinegar, 1/2 kutsaritang honey sa isang tasang maligamgam na tubig.
3. Malunggay
Tunay nga na makapangyarihan ang malunggay dahil sa dami ng napapagaling nitong mga karamdaman at isa na rito ang goiter. Nakakatulong ito na bawasan ang pagdami ng kemikal na nakakapagdulot ng implamasyon sa thyroid gland. Maaaring ilaga ang mga dahon nito at inumin na parang tsaa.
4. Turmeric o luyang dilaw
Ang luyang dilaw o turmeric ay isang natural spice na may medikal na kapasidad. Ito ay isang natural na antioxidant at anti-inflammatory na nakakapagpabawas sa pamamaga na dulot ng goiter. Pakuluan ang luyang dilaw at gawing salabat.
5. Bawang
Ang bawang ay nakakatulong sa natural na produksyon ng glutathione sa katawan na kailangan para sa malusog na thyroid gland. Maaaring magnguya ng ilang piraso ng bawang kada umaga. Ngunit kung hindi ito sang-ayon sa iyong panlasa, maaari itong isama sa mga pagkain.3
6. Green Tea
Ang green tea ay mayaman sa antioxidants kaya naman tinuturing itong healthy drink. Ang pagkonsumo ng green tea araw araw ay nakakatulong sa pagpapagaling ng goiter at sa pagiwas nito. Nagtataglay rin ito ng mataas na amount ng natural flouride na kakatulong sa kalusugan ng thyroid gland.
Comments
Post a Comment