Marahil pamilyar na kayo sa kasabihan na, "Our eyes are the windows to the soul." Sa katunayan, ang ating mga mata ay nakakapagbigay na ng napakaraming impormasyon tungkol sa nararamdaman ng isang tao.
Malalaman din ang emosyon ng isang tao sa mamagitan ng kanyang mata. Kaya naman ang mga ito ay napaka-halagang organ sa nilalang. Ngunit dahil sa bilis ng pagbabago ng panahon ngayon, ay napakaraming bagay rin ang nakakaapekto sa ating mata at paningin. Narito at alamin ang mga simpleng paraan upang mapangalagaan ang iyong paningin.
1. Kumain ng tama
Unang-una, ang ating paningin ay nakadepende rin sa nutrisyon na ating kinakain. Kung ang iyong kinakain ay masustansya at naglalaman ng mga bitaminang nakakabuti sa mata tulad ng omega 3 fatty acids, lutein, vitamin C, E, at zinc ay makakatulong ito upang makaiwas sa mga vision problems gaya ng katarata at maagang paglabo ng mata.
2. Ipahinga ang mata
Karamihan sa mga tao ngayon ay gumagamit ng mga computers, cellphones, tablets, at iba pang gadgets na may epekto sa mata kapag ginagamit ng madalas. Ang mga bagay na ito ay nageemit ng radiation na madaling makapagpalabo sa mata. Kaya iwasan ang matagalang paggamit ng mga ito at bigyan ng pahinga ang mata kada 50 minuto.
3. Maglagay ng pipino sa mata
Upang marelax ang mata at maiwasan ang eye strain, maaaring maglagay ng hiniwang pipino sa mga mata. Ang malamig na temperatura nito ay nakakatulong upang guminhawa ang pagkapagod ng mga mata.
4. Warm compress
Ikuskos ang inyong palad hanggang makagawa ng heat o init. Pagkatapos ay itapal ang palad sa mata sa loob ng limang minuto. Ang heat ay nakakatulong upang marelax ang mata.
5. Magsagawa ng eye yoga o eye exercises
Ang eye exercises ay nakakatulong upang maging matatag ang mga ugat sa mata at maimprove ang paningin. I-roll ang mata simula sa pagtingin sa taas, sa side, at sa baba. Ulitin ito ng sampung beses.
6. Magsuot ng sunglasses
Ang sikat ng araw ay mayroong radiation na may negatibong epekto sa mata. Kapag lalabas ng bahay, siguraduhing magsuot ng protective eyewear gaya ng sunglasses upang maprotektahan ang mata laban sa sun's harmful uv rays.
Comments
Post a Comment