Ang stress ay nakakapagdulot ng negatibong epekto sa ating kalusugan. Madalas na ito ang pangunahing dahilan na pinagmumulan ng iba't ibang health issues. Ang stress ay nakakapagpadulot ng paghina ng immune system na nauuwi sa pagkakaroon ng mga pagsak!t sa katawan.
Minsan ay hindi pa natin nalalaman na over stressed na pala tayo dahil natatago ito sa pamamagitan ng mga sintomas na akala natin ay normal lang na maramdaman. Alamin ang mga possibleng problemang pangkalusugan na nararansaan niyo ngayon na epekto pala ng stress.
1. Body pains o pagsak!t ng pakiramdam/kasu-kasuan
Madalas na hindi natin pinapansin ang ating katawan hanggat wala tayong nararamdamang kirot o sak!t. Ngunit kung mataas na ang iyong stress levels, ang iyong katawan ay magpapakita ng senyales tulad ng stomach issues, ulser, pagsikip ng dibdib, palpitations, at kung anu-ano pang pananakit ng kasu-kasuan.
Kaya kung madalas na nararanasan ang mga sintomas na ito, maging aware at ito'y iyong bigyan agad ng pansin.
2. Nawawalan ng focus
Kung puro problema at trabaho na lamang ang iyong iniisip, hindi malayong ikaw ay talagang makakaranas ng stress. Nawawalan ka ng focus para sa ibang bagay dahil nagiging pre-occupied ang iyong utak sa kakaisip sa problema.
3. Anxiety o pagkabalisa
Isa sa mga obvious signs ng over stressed ay ang pagiging balisa at hindi mapakali. Ang senyales na ito ay dapat na magsilbing warning upang ikaw ay dapat na magpahinga at magrelax muna. Mahirap na kalabanin ang utak na napakaraming iniiisip.
4. Pagkakalbo
Natural sa atin na malagas ang 100 hibla ng buhok araw araw at hindi man natin ito napapansin. Ngunit ang hindi normal ay ang pagkakalbo ng hindi nalalaman ang dahilan. May mga pagkakataon na ang pagkalagas ng buhok ay dahil sa stress. At ang mahirap pa ay pwedeng hindi na ito tumubong muli.
5. Kawalan ng pasensya
Ang madaling pagkawala ng pasensya at pagiging mainitin ang ulo ay isa sa mga sintomas na ikaw ay nakakaranas ng matinding stress. Hindi ito maganda dahil hindi lamang ito nakakasira sa iyong pagkatao pati na rin sa pakikisama sa iba.
6. Problema sa pagtulog
Ang stress ay nakakapagdulot ng pagbabago sa iyong sleeping pattern. Maaaring napupuyat ka at hindi ka makatulog dahil sa pag-iisip at pag-aalala. At alam niyo naman na ang kakulangan sa pagtulog ay may dulot rin na negatibong epekto sa katawan.
7. Pagbabago sa timbang
Mayroong mga tao na kapag naiistress ay napapakain ng marami at mayroon din namang hindi makakain ng tama. Sa mga oras na ito, ikaw ay maaaring tumaba o pumayat na lamang bigla. Ang stress ay nakakapagpabagal ng metabolismo na siyang dahilan ng iyong pagtaba. At kung bigla bigla na lamang ang iyong pagpayat, ito ay dahil hindi nagkakaroon ng sapat na nutrisyon at oxygen ang iyong mga cells.
Comments
Post a Comment