Ang urinary tract inf*ction o kilala sa tawag na UTI ay dulot ng mga bakterya sa daluyan ng ating ihi. Maaari ring maapektuhan ang ating bladder at mga kidneys kung ito ay hindi naagapan. May mga bagay bagay rin na nakakapagdulot ng UTI tulad ng hindi pag-inom ng sapat na tubig at pagpipigil ng pag-ihi.
At mayroon ding mga pagkain at inumin na nakakapagpalala nitong kondisyong ito kaya naman ito ay dapat mong iwasan. Narito at alamin ninyo ang mga ito.
1. Prutas na acidic
Ang mga prutas tulad ng lemon, pinya, oranges, suha at kamatis ay maituturing na mga acidic na pagkain na pwedeng maka-irritate sa iyong bladder. Ang mga pagkaing ito ay maaaring makapagdulot ng implamasyon sa bladder at makapag-palala sa mga sintomas ng UTI. Kaya makakabuting iwasan ang mga pagkain ito hanggang tuluyang mawala ang iyong kondisyon.
2. Spicy na pagkain
Ang mga pagkaing maaanghang ay hindi dapat kinakain kung ikaw ay mayroong imp*ksyon sa ihi dahil nakakapagpataas ito ng acid level sa katawan at nagiging ideal environment ito para sa mga bakterya upang dumami. Iwasan rin ang mga prinosesong pagkain tulad ng mga sausages.
3. Caffeine
Ang caffeine ay hindi lamang matatagpuan sa kape kundi pati na rin sa mga inumin tulad ng tsaa at softdrinks. Huwag itong iinumin kung ikaw ay mayroong UTI dahil pinapabilis nito ang daloy ng dugo sa iyong bladder. Sa halip, uminom nalamang ng tubig upang mapabilis ang pagtanggal ng imp*ksyon sa iyong ihi.
4. Pulang karne o red meat
Ang mga pulang karne tulad ng hamburger, steak, at grilled meat ay kabilang sa listahan ng mga pagkaing dapat iwasan kung ikaw ay may UTI. Dahil ang mga ito ay nakakapagpataas rin ng acid sa iyong katawan. Kaya imbes na madaling matanggal ang mga bakterya ay mas nagiging aktibo pa ang mga ito. I-substitute na lamang ang red meat sa puting karne tulad ng isda at manok.
5. Sugar
Isa rin sa mga pangunahing pagkaing dapat iwasan ng mga taong may UTI ay ang asukal o sugar na matatagpuan hindi lamang sa pagkain ngunit pati na rin sa mga artipisyal na inumin o juice. Ito ay dahil ang mga bakterya sa katawan ay nagiging pagkain ang asukal kaya mas mabilis na dumami ang mga ito.
Comments
Post a Comment