Maraming uri ng halamang gamot ang ginagamit upang malunasan ang mga ilang uri ng sak!t. Lubos na nakatutulong ang mga benepisyong taglay ng mga ito sa ating kalusugan. Halimbawa na nito ay ang mga halamang gamot na makakatulong sa paglunas ng sak!t na tuberculosis o TB kung tawagin.
Ano nga ba ang Tuberculosis at ano ang maaaring maranasan na sintomas nito?
Tuberculosis o TB ay isang uri ng sak!t sa baga na kung saan kilala bilang isang infecti0us disease. Ito ay nagmula sa bakteryang tinatawag na mycobacterium tuberculosis. At ang sakit na !to ay madali lamang makahawa.
Sa pamamagitan ng physical contact mula sa taong nagtataglay nito ay maaari ka nang mahawa sa kaniyang sak!t. Wala rin itong pinipiling tao dahil kahit sanggol, bata, buntis at matanda ay maaaring maranasan ito.
Bukod pa rito, maaaring makuha ang bakterya sa hangin dahil sa pag-ubo, pag-bahing at talsik ng laway ng pasyente. Sa mga taong nagtataglay ng tuberculosis ay nakakaranas ng pananakit ng dibdib, mabilis mapagod, kawalan ng gana sa pagkain, nawawalan ng enerhiya sa katawan, biglaang pagbaba ng timbang at pananakit ng likod. Isama pa ang hindi mawala-walang ubo ng mahigit isang linggo.
Ilan lamang sa mga nabanggit ang maaaring maranasan. Kaya naman kung sa palagay mo ay nakakaranas ng mga sintomas huwag nang magsayang ng panahon pumunta kaagad sa mga doktor upang mabigyan ng kaagarang kagamutan.
Ang artikulong ito magbibigay sa iyo ng karagdagang kaalaman upang magamit ang mga halamang gamot na makakatutulong sa iyo sa paggamot sa tuberculosis.
1. Orange at Honey
Maaaring masira ang baga ng taong may sak!t na TB. Kaya naman ang prutas na orange ay makatutulong. Sa pamamagitan ng paginom sa katas ng orange o juice nito ay mapapatibay at mapapalakas ang ating baga. Maaari rin itong haluan ng honey para sa mas mabisang paggamot. Dahil ang orange ay naglalaman ng minerals at bitamina na lubos na makakatulong upang mapatibay ang ating baga.
2. Tomato at Fish Oil
Ang kamatis ay karaniwang inihahalo sa mga lutuin, salad at ginagamit na pampaganda ng kutis. Ngunit hindi lamang iyon, maaari rin itong makatulong sa tuberculosis. Mula sa pag-inom ng katas nito kasama ng fish oil ay magsisilbing supplement vitamins ng taong may sak!t. Kaya naman mapapalakas nito ang ating katawan para malabanan ang sak!t na ito. Gawin ito araw-araw para sa mas magandang resulta.
3. Banana, Coconut, Honey at Yogurt
Pinaniniwalaan itong mabisang gamot sa mga sintomas ng tubercul0sis. Kabilang ang saging na mayaman sa bitamina dahil may taglay itong calcium na nakatutulong upang mapatibay ang ating buto at mapalakas ang ating pangangatawan. Napakainam na isama ito sa pangaraw-araw na diyeta para sa ikalulusog ng kalusugan. Bukod pa rito nakatutulong rin itong mabawasan ang pag-ubo ng pasyente. Kaya naman bumili o pumitas na ng sariwang saging. Durugin ito, haluaan ng buko at isang kutsara ng honey. Idagdag pa ang yogurt. Inumin ang mga pinaghalo-halong sangkap sa araw-araw upang makuha ang benepisyong taglay nang sa gayon malunasan ang sakit na tubercolosis.
4. Apple at Pineapple
Karaniwan sa binibiling prutas ang mansanas lalo na sa mga may diabetes ay lubos na nakakatulong ito. Bukod pa rito may magandang hatid rin ito sa mga taong dumaranas ng tuberculosis. Ang pagkain nito sa araw-araw ay nakababawas sa peligrong dala ng sak!t. Isama pa ang pinya na kilala rin na mayaman sa fiber at mga bitamina.
5. Garlic
Maraming mga benepisyong hatid ang bawang para sa ating kalusugan tulad na lamang ng kakayahang mapababa ang altapresyon, nananak!t na rayuma, mga sintomas ng hika, at sugat. Gayunpaman, ang bawang ay isinama rin sa mga sagkap ng lutuin. Maaari rin itong kainin ng hilaw upang malasap ang katas nito na may magandang hatid sa atin. Ang bawang ay may abilidad na makatutulong sa paggamot ng tuberculosis. Sa pamamagitan ng paglaga sa bawang kasama ng gatas at tubig ay lubos na makakatulong sa pasyente upang matulungang mapalakas at matanggal ang bakteryang sanhi ng sak!t.
ano pong gamot ang inuubo tapos masakit dibdib ano po pwedi inomin o e maintAin dto salamat po
ReplyDelete